Marco Polo Hotel sa Davao City, ngayong June 15 ang huling araw ng operasyon

by Jojo Gabinete
Jun 15, 2020
Marco Polo Hotel: "To all our friends in the community and our valued business partners, daghang salamat from the Heart of Davao."
PHOTO/S: Agoda

Malungkot ang mahigit sa 200 empleyado ng Marco Polo Hotel sa Davao City dahil ngayong Lunes, June 15, ang huling araw ng operasyon ng kompanya na kanilang pinaglilingkuran.

Opisyal na ipinahayag ng Marco Polo management noong May 8, 2020 ang pagsasara ng kanilang hotel na isa sa mga matindi na naapektuhan ng coronavirus pandemic na malaki ang ibinigay na perwisyo sa tourism at hotel industry.

"Our priority is to take care of our associates while the company can. All of you have been the core, and our stewards in building Marco Polo Davao. We will forever be grateful for your unconditional contribution.

"To all our friends in the community and our valued business partners, daghang salamat from the Heart of Davao," ang brief statement na ipinadala ng hotel management sa Esquire Philippines noong nakaraang buwan tungkol sa pagsasara ng Marco Polo Hotel.

Via long distance call kahapon, June 14, nakipag-ugnayan ang Cabinet Files sa Marco Polo management.

Continue reading below ↓

Ang empleyadong si Jerlyn ang aming nakausap tungkol sa huling araw ng kanilang trabaho sa 22-year-old hotel.

“Wala na po kaming mga guest. Not so sure kung magre-reopen pa po ang hotel.

"Malungkot kasi pagkatapos ng tomorrow, wala na rin kaming work," malumbay ang boses na sabi ni Jerlyn.

Marami ang nalungkot sa pagsasara ng Marco Polo Hotel dahil naging bahagi ito ng kanilang buhay.

Ang hotel ang madalas na tinutuluyan ng mga artista ng GMA-7 at ABS-CBN sa tuwing may mga show sila sa Davao City.

Hindi naman tuluyang mabubura sa alaala ang Marco Polo Hotel dahil immortalized sa 2013 Korean movie na No Breathing ang popular 245-room hotel sa Davao.

Kinunan sa Marco Polo Hotel ang ilang mga eksena ng pelikula na pinagbidahan ng Korean stars na sina Seo In Guk, Lee Jong Suk, Nam Da Reum, at Kwon Yuri.

Tuwang-tuwa ang mga Davaoenño at ang hotel staff dahil ang apat ang unang Korean stars na nakita at nakasalamuha nila nang personal sa kanilang siyudad.

Continue reading below ↓

MT. PINATUBO ERUPTION

Samantala, ginugunita naman ngayong June 15 ang ika-dalawampu’t siyam na anibersaryo ng pagputok ng Mount Pinatubo na naramdaman sa maraming panig ng mundo.

Ang pagsabog ng Mount Pinatubo ang itinuturing na most notorious at second-largest terrestrial eruption sa 20th century dahil sa malaking epekto nito sa global climate.

Hinding-hindi makakalimutan ng mga nakaranas ng pagsabog ng Mount Pinatubo ang pagdilim ng kapaligiran na binalot ng makapal na ash fall noong June 15, 1991.

Malaking balita sa buong mundo ang Mount Pinatubo eruption na immortalized naman sa pelikulang Lahar ng Star Cinema.

Ipinalabas ito sa mga sinehan noong September 8, 1996 at sa mga international documentary na Mystery of the Megavolcano (2006), How The Earth was Made ("Ring of Fire" episode, 2010), at Savage Planet ("Volcanic Killers," 2000).

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marco Polo Hotel: "To all our friends in the community and our valued business partners, daghang salamat from the Heart of Davao."
PHOTO/S: Agoda
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results