Megan Young at Mikael Daez, isang oras pumila sa kanilang "wedding reception"

by Jojo Gabinete
Jun 17, 2020
Intimate wedding at biglaang wedding reception ang nangyari noong January 10, 2020 kina Megan Young at Mikael Daez.
PHOTO/S: Shaira Luna

Kilalang-kilala na nina Megan Young at Mikael Daez ang isa’t isa dahil sampung taon na ang kanilang relasyon bago sila nagdesisyong magpakasal nang dalawang beses.

Unang naganap ang pag-iisang dibdib nila sa Caleruega Church sa Nasugbu, Batangas, noong January 10, 2020—dalawang araw bago pumutok ang Taal Volcano.

Pagkalipas ng labinlimang araw, noong January 25, ikinasal silang muli sa San Roque Chapel sa Subic, Zambales.

Continue reading below ↓

"THE WEDDING RECEPTION"

May interesting anecdote ang mag-asawa tungkol sa kanilang “wedding reception” na naganap sa Balay Dako restaurant sa Tagaytay City pagkatapos ng unang kasal nila.

“Balay Dako is where we eat during our wedding,” sabi ni Mikael.

Ipinaubaya ng aktor kay Megan ang pagkukuwento tungkol sa matagal na pagpila nila sa restaurant para mabigyan sila ng mesa.

Continue reading below ↓

“We chose Caleruega, yung church namin, kasi it’s very nice and small church where you could get married as in very intimate.

“Halos mga ten lang kami dun sa wedding namin.

"And we decided, why not, you know, eat in a place that we enjoy.

“Hindi naman natin kailangan ng celebration or anything, basta gusto lang namin kumain ng masarap and that’s one of the places that we thought of.

“We didn’t want it to be like crazy expensive, hindi naman kailangan engrande basta gusto namin masarap na pagkain.

“It was a weekday pero punumpuno yung Balay Dako. We waited in line for one hour.”

Nakausap ng Cabinet Files at iba pang reporters sina Megan at Mikael sa Zoom conference na inihanda ng GMA-7 para sa kanila ngayong Miyerkules ng hapon, June 17.

Pagpapatuloy na kuwento ni Mikael, “One hour kaming nakaupo habang nag-aantay kami kasi walang reservations pala sila.

Continue reading below ↓

"Kami hindi nag-reserve kasi akala namin, 11 A.M., wala naman sigurong tao, weekday pa.

"Pero pagpunta namin doon, one hour waiting line.

"Tinanggal ko na lang yung jacket ko siyempre ayaw rin namin na agaw-pansin."

Sabi naman ni Megan, "Nagpalit din ako ng damit para naman hindi wedding vibes yung dating.

"So we just went there with the family, and it was pretty fun waiting kasi ang dami naming napag-usapan.

"And then we enjoyed a really nice late lunch overlooking Tagaytay."

Hindi maipagkakaila sa mukha ni Megan ang kaligayahan bilang asawa ni Mikael.

Tumanggap ng mga papuri at hinangaan sina Megan at Mikael dahil pinili nila na ang praktikal at simpleng seremonya para sa kanilang dalawang beses na pagpapakasal.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Intimate wedding at biglaang wedding reception ang nangyari noong January 10, 2020 kina Megan Young at Mikael Daez.
PHOTO/S: Shaira Luna
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results