Kapamilya comedienne Pokwang, maglalaro sa "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga!

by Jojo Gabinete
Jun 19, 2020
Si Pokwang ang kauna-unanag Kapamilya star na lalabas sa programa ng GMA-7 matapos ipasara ng NTC ang ABS-CBN.

Hindi nagbibiro si Paolo Ballesteros sa announcement nito sa Eat Bulaga! na si Pokwang ang guest sa "Bawal Judgmental" bukas, June 20.

Ang "Bawal Judgmental" ang popular segment ng longest-running noontime na variety show ng bansa na napapanood sa GMA-7.

Tiyak na lilikha ng ingay at kontrobersiya ang paglabas ni Pokwang sa Eat Bulaga! dahil public knowledge na contract star siya ng ABS-CBN.

Isa rin ang Kapamilya comedienne sa passionate na tumututol sa pagpapasara ng National Telecommunications Commission sa kanyang home network.

Noong nakaraang buwan, naglabas si Pokwang ng sama ng loob sa kanyang Facebook page dahil sa kapitbahay niyang pabor sa pagsasara ng ABS-CBN.

Binuweltahan din niya ang netizens na ipinagbunyi ang nangyari sa kanyang home studio.

Hinangaan ang pagtatanggol ni Pokwang sa Kapamilya Network at sa loyalty na ipinamalas niya.

Pero posibleng mabahiran ito ng mga pagdududa dahil sa kanyang nakatakdang paglabas bukas sa rival program ng It’s Showtime.

Continue reading below ↓

Kababalik pa lamang sa ere ng It’s Showtime noong June 13, at dahan-dahang bumabangon mula sa tatlong buwanG pagpapahinga na epekto ng coronavirus pandemic at pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN.

Wala nang atrasan ang guesting ni Pokwang sa Eat Bulaga! dahil nakapag-taping na siya para sa "Bawal Judgmental" segment.

Kaya hintayin na lamang natin ang paliwanag niya tungkol sa kanyang desisyong lumabas sa kalabang programa ng It’s Showtime.

Si Pokwang ang unang Kapamilya star na mapapanood sa GMA-7 matapos ipasara ang ABS-CBN.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Pokwang ang kauna-unanag Kapamilya star na lalabas sa programa ng GMA-7 matapos ipasara ng NTC ang ABS-CBN.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results