Sa lahat ng programa ng ABS-CBN na inilipat sa Kapamilya Channel, ang serye ni Coco Martin na Ang Probinsyano ang may pinakamaraming commercial load mula nang ibalik ito sa ere.
Hindi tiyak kung ang mga ads na ito ay na-close before or during the community quarantine, pero sila ay patunay na buo pa rin ang tiwala ng mga advertisers sa programa.
Ngayon ay napapabalitang magwawakas na ito sa September 2020, makalipas ang limang taong pamamayagpag sa telebisyon.
September 28, 2015 nang unang mapanood sa prime-time slot ng ABS-CBN ang action drama series ni Coco.
Nahigitan na ng Ang Probinsyano ang Mara Clara, na tumagal naman sa telebisyon ng apat na taon at anim na buwan—mula August 17, 1992 hanggang February 14, 1997.
Nag-umpisa nang mag-taping ang cast ng Ang Probinsyano tatlong buwan matapos ipatupad sa Luzon ang Enhanced Community Quarantine dahil sa coronavirus pandemic, at mahigit isang buwan mula nang ipasara ng National Telecommunications Commission ang ABS-CBN.
Dati, ibinalitang “nag-beg off for safety reasons” si Susan Roces sa pag-taping ng Ang Probinsyano.
Pero ang latest update ay ikatutuwa ng mga tagahanga ng veteran actress. Pumayag na siyang mag-taping dahil magagawa niya ito nang hindi kinakailangang umalis ng bahay.
Reportedly, ito ang naisip na solusyon ng production staff: ang mag-taping si Susan sa sariling pamamahay nito.
Hinihintay lamang ni Susan ang bagong script ng Ang Probinsyano bago umpisahan ang taping ng mga eksena niya sa ginhawa ng kanyang tahanan.
Ginagampanan ni Susan ang karakter ni Lola Flora.