Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

BB Gandanghari on Carmina Villarroel: "Kung ako magiging lalake ulit...siya pa rin liligawan."

by Jojo Gabinete
Jun 21, 2020
Ayon kay BB Gandanghari, ang "pinakamasakit" na nangyari sa dati niyang katauhang si Rustom Padilla ay ang paghiwalay nila ni Carmina Villarroel nong 1997. Three years din ang itinagal ng marriage nina Rustom at Carmina.
PHOTO/S: @gandangharibb on Instagram/ File

Tahasang sinabi ni BB Gandanghari na kung magiging lalaki siya uli, si Carmina Villarroel pa rin ang kanyang liligawan.

Naghiwalay si BB—ang dating Rustom Padilla—at Carmina noong 1997. Three years din ang itinagal ng kanilang marriage.

At makalipas ang dalawampu’t tatlong taon, binasag ni BB ang pananahimik tungkol sa episode na yun ng kanyang buhay.

Sa araw na ito, June 21, 2020, sa pamamagitan ng kanyang YouTube Channel, nagkuwento si BB tungkol sa nakaraan nina Rustom at Carmina.

"Marami ang nagtatanong, minahal ko raw ba talaga si Carmina? Honestly and true, oo.

"Ang pinakamasakit na nangyari kay Rustom, nung dumating sa panahon na kailangan na silang maghiwalay.”

Ang pahayag pa ni BB, "It’s the fact na they thought they found the right love, para kay Rustom.

"Pero hindi na rin niya ipinaglaban kasi, at that time, binibigyan nila ng pagkakataon ang sarili nila na mag-isip.

"Napakabait ng Diyos, I hope si Carmina, ganito rin ang pakiramdam. I don’t wanna be selfish about it, pero itinuturing kong blessing si Carmina sa buhay ni Rustom.

Continue reading below ↓

"It could have been the worst of times. Yung panahon na unti-unting gumuguho ang pangarap ni Rustom before his eyes.

"Ano ba ang pangarap ni Rustom? Magkaroon ng pamilya, magkaroon ng mabuting asawa, magkaroon ng mga anak, maging mabuting asawa, maging mabuting provider.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Yun ang pangarap ni Rustom.

"And Rustom thought na si Carmina din yung babae para sa kanya to fulfill that dream, pero sa paglipas ng panahon, nagkakaroon ng mga natutuklas mo kung ano ba yung katotohanan sa kaibuturan ng puso mo.

"So while the relationship was going on until they lived together as hindi sila nag-live together, nag-secret marriage…nagpakasal sila.

"Dun unti-unting nararamdaman ni Rustom yung mga bagay na feeling niya bakit parang kulang?

"Dun unti-unting lumalabas yung insecurities bilang lalake.

"Dahil siguro hindi na-resolve, itong yung sinasabi ko na this is the lesson learned here.

"Dahil sa in love and everything, akala ni Rustom, that will cover everything, pero hindi." Sabi nga ni BB:

Continue reading below ↓

"Hindi mo puwedeng hanapin ang kaligayahan mo sa ibang tao."

Dugtong pa ni BB, "Rustom may be right, he may be happy with Carmina, but he wasn’t happy with himself. That’s the problem.

"Doon nag-umpisa na bakit kasama na niya yung babaeng …kasi yung pagmamahal, walang question.

"Kung ako magiging lalake ulit, babalik, siya pa rin liligawan.

"Hindi ko naman naiisip noon na bilang Rustom, magpapatawag ako na BB after 21 years or 31 years? I really don’t know.

"Sabi ko nga, it may be the right love, but hindi lang wrong time, but wrong body,” ang salaysay ni BB tungkol sa pagmamahal na ibinigay kay Carmina ni Rustom.

AMICABLE BUT PINAKAMASAKIT NA HIWALAYAN

Ayon kay BB, si Carmina ang nakipaghiwalay kay Rustom, pero naging maayos ang paghihiwalay ng dalawa.

"Dumating sa punto na nagdesisyon si Carmina to move on.

"Isa sa mga pinakamasakit na panahon, you can just imagine, isang tao na pinaka-importante sa iyo, nagpapaalam.

Continue reading below ↓

"So Rustom was really devastated, pero hindi na siya nag-disagree.

"It was a very amicable separation, walang sigawan, walang sumbatan, pero pinakamasakit.

"Did it kill Rustom? A part of him died.

"Definitely kung pag-uusapan yung dreams, kung pag-uusapan ni Rustom, yun yung kabuuan, yun ang Carmina.

"Definitely after the separation, hindi ko alam kung ano nangyayari noon. Hindi ko na alam how to move on, pero, at that time, wala naman choice, but to move on. Wala naman choice, but to overcome, so gaano man kasakit, na-overcome.”

"Walang gay relationship si Rustom"

Nung naghiwalay sila, ang daming kuwentong naglabasan tungkol sa naging dahilan—na kesyo may family feud, may gay issue, at kung anu-ano pa.

Pero urban legend lang daw yung sumali si Rustom sa isang gay beauty pageant sa Baguio City noong hindi pa siya artista.

Hindi, aniya. At hindi rin nagkaroon ng gay relationship ang dating katauhan niya.

Continue reading below ↓

"Showbiz was never the same again after Carmina or Rustom. Diyan na nag-umpisa yung walang katapusang gay issue because of what happened.

"And to tell you honestly, around this time, walang gay relationship si Rustom kaya nga yun ang sinasabi ko sa inyo, guys. Hindi niya alam kung paano sasabihin na hindi totoo kasi anong basehan?

"Ito ang pinanggagalingan ni Rustom, anong basehan na he’s gay when, in fact, he’s not having relationship with any man? Now, bakit siya apektado?

"Kasi may nakabaon, may nakabaon na pangyayari sa kanya na nagsisilbing tagapag-paalaala na, at the back of his head, all the time, almost like reminding him every time that he can be gay.

"May ganoon siya at malalaman niyo iyan dito sa BB Uncut, kung saan nanggagaling iyon.

"Meron siyang inner fear, meron constant reminder even though wala siyang ginagawa, seemingly coming from the sub-conscious, no, 'you’re gay!' May ganoon…

Continue reading below ↓

"Saan nanggagaling iyon? You’ll eventually find out sa mga susunod nating chapters,” ang sabi ni BB na nagbitaw rin ng salita na:

"In fairness kay Rustom, hindi nagpanggap. Hindi gumamit ng babae. Hindi nanligaw just to prove his masculinity. That, he never did.”

CARMINA KNEW ABOUT RUSTOM'S COMING OUT IN PINOY BIG BROTHER

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkuwento si BB tungkol sa desisyon noon ni Rustom na ipaalam muna kay Carmina na gay siya.

"Nagpapasalamat ako at na-maintain ang respeto sa pagitan namin ni Carmina magpa-hanggang ngayon. I can only thank God for this blessing na sa mga panahon na kinailangan namin ang suporta ng isa’t-isa, na hindi nalalaman ng tao, ay ibinigay namin iyon sa isa’t-isa.

"Hindi ko makakalimutan yung mga panahon na noong mag-a-out ako sa Pinoy Big Brother, si Rustom, this was 2006.

"So nung mag-a-out si Rustom sa Pinoy Big Brother, isang tao lang ang gusto niyang makausap, si Carmina.

"So naghanap siya ng paraan hanggang nahanap niya ang paraan, yung isang kaibigan ni Rustom...Candy Pangilinan.

"Kinausap ni Rustom si Candy kung puwedeng i-connect si Carmina.

Continue reading below ↓

"[To] cut the long story short, nagkaroon ng time and date. Nagpunta si Rustom, nandoon si Carmina kasama si Candy at saka si Gelli [de Belen], I think, for moral support, pero nakahiwalay sila.

"Nandoon kami ni Carmina sa isang side, at doon nag-out si Rustom kay Carmina kaya bago pa ang Pinoy Big Brother, bago pa ang lahat, nag-out si Rustom kay Carmina.

"Bakit ginawa ni Rustom iyon? Bilang respeto, gusto niyang iparating kay Carmina na hindi nagbabago yung pagmamahal na ibinigay sa kanya ni Rustom, kung naramdaman man niya iyon.

"Gusto rin niyang makita yung acceptance ni Carmina, siguro, at the back of his head.

"Alam mo kung ano ang sinabi ni Carmina sa kanya?

"Ang sabi ni Carmina sa kanya, ‘Huwag kang mag-alala. Puwede mong asahan ang suporta ko kasi noong panahon na ako naman ang lumapit sa iyo,’ dahil yun ang panahon na uuwi siya from [the U.S.], yung nanganak na siya 'tapos uuwi siya dito sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

"Dahil nga sa fake news, tinatakot siya ng fake news at kung anu-anong mga tsismis na kesyo gagawan ko siya ng kaso kasi hindi pa kami annulled noon, hindi pa sila annulled ni Rustom noon.

"Na gagawan siya ng kaso kapag umuwi siya kasama yung mga bata. Pumunta kay Rustom yung brother in-law niya [Carmina’s brother], pinuntahan sa bahay, kinausap siya, at sinabi nga sa kanya, kung puwedeng tawagan ni Carmina si Rustom para makausap.

"Alam mo kung anong sabi ni Rustom sa brother in-law? 'Sabihin mo kay Carmina, hihintayin ko ang tawag niya, pero sabihin mo, maski hindi pa kami nag-uusap, puwede na siyang umuwi.'

"Hindi totoo iyon, walang magdedemanda, wala kahit ano. Umuwi siya nang maaliwalas dito para sa mga bata.

"Nang magpaalam kay Rustom ang kapatid ni Carmina, nagkaroon siya ng realization na tapos na talaga ang lahat para sa kanila ng kanyang ex-wife.

"Nasa Baguio City si Rustom, nang makatanggap siya ng tawag sa telepono mula kay Carmina at habang nag-uusap sila, naririnig niya sa background ang boses ng mga anak ng aktres at ni Zoren Legaspi.

Continue reading below ↓

"Usap [kami] nang mahinahon. Nag-usap lang, nagkumustahan, nagbigay ng best wishes, nagbigay ng mga assurances na walang magsasabi ng kahit anong masakit na salita, and I think Rustom and Carmina did their best to protect each other’s self-esteem.

"Mabait talaga itong taong ito kasi nakakaalala, kasi imagine, kung iba-ibang tao iyon, nag-out ako, e, di nag-grandstand na iyon, di ba? Hindi ganoon ang nangyari.

"Sabi ko nga, it’s really a blessing from God na nagkaroon man ng ending, hindi kami pinabayaan na magkaroon ng galit sa isa’t-isa.

"Noong panahon na iyon, pagkatapos ng meeting na iyon, gustong-gusto kong akapin si Carmina.

"Gustung-gustong akapin ni Rustom, pero actually, naging magkaibigan kasi sila pagkatapos noon,” ani BB, na tuluyang napaluha nang ikuwento ang sumunod na insidente ng muling pagkikita nila ni Carmina.

BB Gandanghari

Continue reading below ↓

"Nagtatawagan, nagte-text bilang magkaibigan 'tapos within siguro 2002, nagkita sila ulit, nag-usap, kamustahan.

"Siyempre, mas magaan na ito kasi mas matagal na yung panahon. Tanggap na lahat so nag-usap sila 'tapos noong panahon na iyon, nung magbaba-bye na, gusto uli yakapin ni … gusto niya uli yakapin, hindi niya mayakap, so nag-text after.

"Nagkaroon ngayon ng lakas ng loob si Rustom na sabihin kay Carmina na, ‘Alam mo, gusto sana kita i-hug.’

"Sumagot si Carmina, sabi niya, ‘Ako din, gusto din sana kita i-hug ‘ but I guess that was enough, yung malaman ko na gusto rin pala siyang i-hug ni Carmina.

"I think that was enough for Rustom.

"Pero kung may babalikan ako, sana nangyari yung yakap,” ang lumuluha na kuwento ni BB, na hanggang ngayon ay hindi nawawala ang respeto at pagmamahal sa dating asawa ni Rustom.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay BB Gandanghari, ang "pinakamasakit" na nangyari sa dati niyang katauhang si Rustom Padilla ay ang paghiwalay nila ni Carmina Villarroel nong 1997. Three years din ang itinagal ng marriage nina Rustom at Carmina.
PHOTO/S: @gandangharibb on Instagram/ File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results