Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Aktres, muntik iwan ang mister at showbiz dahil sa aktor na mas bata sa kanya

by Jojo Gabinete
Jun 23, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Naging mapusok ang aktor noong kasikatan niya.

Pero sa isang TV guesting, “sanitized” ang kanyang sagot nang tanungin tungkol sa wildest experience niya sa entertainment industry.

Posibleng iniiwasan ng aktor na maungkat pa ang nakaraan dahil may asawa at mga anak na siya.

Pero mahirap burahin ang katotohanang nagkaroon sila ng relasyon ng sikat na aktres na nakapareha niya sa pelikula.

May pamilya ang aktres.

Pero pumasok sa isip nitong hiwalayan ang lalaking pinakasalan dahil matindi ang pagmamahal at obsession niya sa aktor na mas bata sa kanya ng apat na taon.

Napansin ng asawa ng aktres na malungkot ito at madalas tulala sa tuwing magkasama sila.

Malakas ang duda ni Mister na lalake ang dahilan kaya palaging wala sa sarili ang aktres.

Pero pinili ni Mister na magbulag-bulagan, sa ngalan ng ekonomiya na siya ang higit na nakikinabang.

Naniniwala ang aktres na tunay na pag-ibig ang nararamdaman niya para sa aktor. Handa siyang talikuran ang showbiz career at ang lalaking kanyang pinakasalan.

Continue reading below ↓

Ikinuwento ng aktres sa isang kaibigan ang kanyang plano, pati na ang kumpletong detalye ng mga nangyayari sa mga lihim na pagtatagpo nila ng aktor.

Nabahala ang kaibigan dahil nakita at naramdaman niya ang matinding pagmamahal ng aktres sa aktor.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Masinsinang kinausap ng nagmamalasakit na kaibigan ang aktres.

Naliwanagan lamang ang isip ng aktres nang hindi kumita sa box office ang pelikula na ginawa nila ng aktor.

Naniniwala sa pamahiin ang aktres.

Ang flop movie project nila ng aktor ang naging mitsa para magising siya sa katotohanang walang patutunguhan ang kanilang bawal na relasyon.

Higit sa lahat, siya ang matatalo nang husto sa sugal na gagawin niya dahil mawawala ang kanyang showbiz career at asawa.

Ang pelikulang pinagsamahan nila ng batang aktor ang biggest break sa acting career ng aktor, pero hindi na ito nasundan.

Pagkatapos ng movie team-up nila ng aktres, dahan-dahan nang tumamlay ang showbiz career ng aktor.

Continue reading below ↓

Ipinagpatuloy na lamang nito ang pag-aaral hanggang magkaroon na siya ng sariling pamilya.

MORE CABINET FILES STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results