Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Miss World 2013 Megan Young, naniniwalang malaki ang magiging pagbabago sa beauty pageants

by Jojo Gabinete
Jun 23, 2020
Megan Young: "Malay natin, maiba yung platform ng beauty pageants in the coming years. Maybe it would not just be a show anymore."
PHOTO/S: Instagram

Naniniwala si Miss World 2013 Megan Young na malaki na ang ipinagbago sa mga beauty contest dahil hindi pa niya alam ang mga mangyayari sa 70th Miss World.

"I host Miss World every year and wala rin akong balita kung ano ang mangyayari, but it has definitely changed.

"As of now, I have no idea honestly kung papaano yun," sabi ni Megan sa Zoom conference ng GMA-7 para sa kanila ng kanyang asawa na si Mikael Daez last week.

Ayon kay Megan, baka magbago na rin sa mga susunod na taon ang platform ng mga beauty pageants.

"Marami rin naghahanda kasi beauty pageants are there for a good cause and there are so many advocacies ng girls.

"So, malay natin, maiba yung platform ng beauty pageants in the coming years.

"Maybe it would not just be a show anymore."

Ilang araw makalipas ang Zoom conference para sa Daez couple, sinabi ni Miss World Philippines franchise owner Arnold Vegafria na magaganap ang Miss World Philippines 2020 coronation sa Smart Araneta Coliseum, tatlong linggo bago idaos sa Thailand ang 70th Miss World.

Continue reading below ↓

ON POLITICAL ISSUES

Noong unang linggo ng June 2020, naging sentro ng kontrobersiya sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Universe 2018 Catriona Gray dahil sa hindi nila pagpabor sa Anti-Terror Bill.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Bilang Miss World titleholder noong 2013, hiningi ang opinyon ni Megan sa mga pahayag ng kanyang mga kapwa beauty queen tungkol sa mga isyubg may kinalaman sa ating bansa.

"I commend them for speaking their mind.

"I think we all have different ways of showing support for certain things.

"Others may be outspoken about certain things, others they try to do it behind closed doors, and others do it through donating," maingat na pahayag ni Megan.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Megan Young: "Malay natin, maiba yung platform ng beauty pageants in the coming years. Maybe it would not just be a show anymore."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results