Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Sandra Seifert aminado sa anak, pero di sinabi kung sino ang ama nito

by Jojo Gabinete
5 days ago
Sandra Seifert and son Coco
Palagi nang ipino-post ni Sandra Seifert ang litrato ng anak na si Coco sa kanyang Instagram account matapos ipakilala ito sa kanyang followers sa unang pagkakataon nung October 11, 2019.
PHOTO/S: @sandraseifert Instagram

Hindi si Sofia Andres ang una at huling showbiz personality na inilihim ang pagbubuntis pero, noong Father’s Day, June 21, ay inamin ang pagiging ina.

Bago pa ipinagtapat ni Sofia sa Instagram na nanay na ito, naunang umamin si former television personality at Miss Philippines Earth 2009 Sandra Seifert na may anak na siya.

Ang pagkakaiba lang, hinintay muna ni Sandra na magdiwang ng 4th birthday noong October 11, 2019 ang anak na si Corinth, na may palayaw na Coco, bago niya sinabi sa publiko na may lovechild siya.

Continue reading below ↓

Hindi binanggit ni Sandra ang pangalan ng ama ni Coco nang mag-post siya sa unang pagkakataon, noong October 11, 2019 sa Instagram din, ng larawan ng inspirasyon niya sa buhay.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Since then, sunud-sunod na ang mga social media posts ni Sandra tungkol sa kanyang cute at child star-material na anak.

Continue reading below ↓

“There is nothing more beautiful than seeing the world through the eyes of a child..

"During a pandemic like this, it can get challenging to keep one’s mental state positive at all times.. but through my little angel, I am able to keep strong and composed.

“Thank you for your endless hugs and kisses, for laughing at my jokes, for making the simple things so exciting, and above all for praying with me for all the people around the world that need prayers.

“You truly are a man that makes me feel like I am the best woman on earth every day! Love you, Coco!” ang mensahe ni Sandra para sa anak sa isang Instagram post niya noong nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine ang Luzon.

Bago nawala si Sandra sa sirkulasyon noong 2019, si Cesar Montano ang huling lalaking napabalitang karelasyon niya, pero walang pag-amin o pagtanggi mula sa dalawa na madalas na nakikita noong magkasama.

Continue reading below ↓

Noong June 4, 2015, sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), itinanggi ni Cesar na siya ang ama ng anak na isinilang ni Sandra.

Pahayag ni Cesar sa interview tungkol sa rumored love affair nila ni Sandra, “Hindi pinapansin yan, kasi yung source niyan, hindi naman niya nire-reveal ang sarili niya. Takot siya pumunta sa liwanag.

"Saka ko na ie-entertain yun kapag matapang na siya pumunta sa liwanag.”

May katwiran si Cesar na itanggi ang usap-usapang siya ang tatay ng sanggol.

June 2015 nang pumutok ang tsismis pero mismong ang dating beauty queen ang nagsabing iniluwal nito si Coco noong October 11, 2015.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Palagi nang ipino-post ni Sandra Seifert ang litrato ng anak na si Coco sa kanyang Instagram account matapos ipakilala ito sa kanyang followers sa unang pagkakataon nung October 11, 2019.
PHOTO/S: @sandraseifert Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results