Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Aktres planong ipa-blotter ang ex-boyfriend na aktor

by Jojo Gabinete
5 days ago
Nagulat daw si Aktres nang dumating ang dating boyfriend na aktor at nagpupumilit pumasok sa kanyang bahay. Wala pa umano itong suot na pang-itaas.

May plano ang isang aktres na ipa-blotter ang kanyang ex-boyfriend na aktor dahil sa biglang paglitaw nito kagabi, June 27, sa bahay niya sa isang private subdivision sa Quezon City.

May mga bisita ang aktres nang dumating ang aktor na wala umanong suot na pang-itaas na damit.

Wala ring abiso ang pagdalaw nito kaya hindi niya ito pinapasok sa loob ng bahay.

Hindi rin sinagot ng aktres ang mga cellphone call ng nagpupumilit na aktor na gumamit pa ng ibang sim card.

Dahil walang permiso ng aktres ang pagpasok ng aktor sa tahanan niya, ang security personnel ng subdivision ang kanyang kinuwestyon.

Ang sabi ng mga security guard, nakilala nila ang aktor kaya pumayag sila nang papasukin ang bisita ng aktres.

Mga teenager pa ang aktor at ang aktres nang magkaroon sila ng passionate love affair na humantong sa paghihiwalay.

Nagkaroon ang dalawa ng kanya-kanyang pamilya, at parehong nakaranas ng matitinding pagsubok sa kanilang personal na buhay dahil ngayon ay hiwalay na sila sa mga pinakasalan nila.

Continue reading below ↓

May soft spot ang aktor sa puso ng aktres dahil isa ito sa tumulong sa kanya noon para makabangon siya at muling maging active sa showbiz.

Muntik nang magkaroon ng reunion project ang aktor at ang aktres pero hindi natuloy dahil ibang mga artista ang nagbida sa pelikula.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

May mga nakakaalam na sa insidenteng nangyari kagabi at, dahil sa balak ng aktres magpa-blotter sa pulis, may mga umaasang magsasalita siya sa mga susunod na araw tungkol sa unannounced visit ng dating karelasyon na ikinabahala niya nang husto.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagulat daw si Aktres nang dumating ang dating boyfriend na aktor at nagpupumilit pumasok sa kanyang bahay. Wala pa umano itong suot na pang-itaas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results