Ai-Ai delas Alas, ano reaksyon sa sinasabing magkamukha sila ni Mayor Joy Belmonte?

by Jojo Gabinete
Jun 28, 2020
May hihilingin daw si Ai-Ai delas Alas (kaliwa) kapag nagkita na sila nang personal ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.
PHOTO/S: PEP Troika / @mayorjoybelmonte

Isang Zoom presscon noong Biyernes, June 26, para kay Ai-Ai delas Alas ang ipinatawag ng GMA-7.

May kuneksyon ito sa pagpirma niya ng kontrata sa GMA Artist Center noong June 19, 2020.

Sa naturang virtual presser, ipinahayag ni Ai-Ai ang pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob dahil sa mga oportunidad, pagmamahal, at pagpapahalaga na ibinibigay at ipinararamdam sa kanya ng Kapuso Network.

Walang nasayang na oras sa naganap na Zoom presscon dahil sinagot ng Comedy Queen ang lahat ng mga tanong.

Tulad ng madalas na pagkukumpara sa kanya at kay Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Marami ang nagsasabing magkaboses at pareho ang hugis ng kanilang mga mukha, kaya may mga kababayan tayong nakatuwaang igawa sila ng memes.

May mga video rin na naka-dub ang boses ni Belmonte sa video ni Ai-Ai and vice versa.

Tawang-tawa si Ai-Ai sa memes at sa mga nagsasabi na parang nananalamin lamang siya kapag kaharap si Belmonte.

Continue reading below ↓

“Nakakatawa nga, yung pandesal ko, this is Mayora. Ano ba yan? Nakakatawa siya,” ang sabi ni Ai-Ai tungkol sa comparison sa kanila ni Belmonte.

Tanggap ba niya na magkamukha sila?

“Parang medyo maputi ako sa kanya. Parang gusto kong sabihin... Sorry, Mayora, pero feeling ko mas maganda ako kay Mayora. Ha-ha-ha!

“Sorry, Mayora, siguro si Mayora, sasabihin din naman niya, ‘Huy, ha, mas maganda ako kay Ai-Ai ha!” ang natatawang pahayag ni Ai-Ai.

Biglang naalala ng komedyana na nagkita sila ni Mayor Joy nang personal bago idineklara noong March 15 ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon.

“Nag-meet kami. Kailan lang, bago mag-ECQ. Disente siya, smile siya [sa akin] at nag-hi.

"Magkatabi nga kami sa upuan kasi si Fr. Allan Samonte, yung bestfriend ko, nag-birthday siya. Nandoon yung mga matataas [na opisyal] sa Quezon City, so nandoon si Mayora. Nagkita kami."

May malisya ba ang pagkikita nila dahil sa mga nagsasabi na magkamukha raw sila?

Continue reading below ↓

“Wala naman, sasabihin ko lang, 'Mayora, dagdagan mo ang ayuda ko kasi wala akong work. Wala kaming work, mga artista. Dagdagan mo yung ayuda namin,'” ang tawang-tawang lahad ni Ai-Ai.

Naging seryoso ang tono ng boses ni Ai-Ai nang tanungin kung mahirap ba talaga mahalin ang Pilipinas gaya ng controversial statement ni Lea Salonga.

“Ayokong sagutin yan pero, siyempre, mahal ko ang Pilipinas, bansa ko ito, e.

“Kahit ano pa ang mangyari sa buhay mo, dito ka nakatira, bansa mo ito, mahalin mo saka respetuhin natin.

“Kahit ano pa man ang mangyari, ganoon talaga. Hindi naman sa buhay ng tao, lahat mahirap, lahat maganda.

“Parang pag-aasawa rin yan. Di ba, mahal mo ang asawa mo? Pero hindi ibig sabihin na sa buong pagsasama ninyo, lahat maganda. Siyempre, may pangit din.

"Kaplastikan kapag sinabi mo sa buong [buhay ng] pag-aasawa mo na mahal mo yung asawa mo, na mahal n’yo yung isa’t isa, walang pangit na nangyayari sa inyo, hindi totoo yun.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May hihilingin daw si Ai-Ai delas Alas (kaliwa) kapag nagkita na sila nang personal ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.
PHOTO/S: PEP Troika / @mayorjoybelmonte
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results