Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Chavit Singson ipinakilala sa isang online show ang pinakabunsong anak 

by Jojo Gabinete
4 days ago
Sa online show ng chemist na si Pinky Tobiado (itaas, kanan), ipinakilala ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis "Chavit" Singson (itaas, kaliwa) ang kanyang youngest child na si Rhian. Kasama sa tsikahan sa online show sina Senator Manny Pacquiao (ibaba, kanan), at Moi Bien (ibaba, kaliwa).

Sina Senator Manny Pacquiao at Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis “Chavit" Singson ang special guests sa post-Father’s Day celebration ng show ni Pinky Tobiano.

Ang show ay nasa Facebook Live at tinawag na Essential Cleaning Tips with Chemist Pinky Tobiano.

Si Pinky ay chemist na may-ari ng dalawang higanteng kumpanya sa chemical industry ng bansa—ang Progressive Laboratories at Qualibet Testing Services.

Iba't ibang gamot para sa tao at hayop ang mina-manufacture ng Progressive Laboratories, habang internationally recognized company naman ang Qualibet Testing Services para sa chemical testing ng mga ginagamit sa mga gamot at cosmetic products.

Talent din si Pinky ng Cornerstone Entertainment.

Siya ang producer ng inspirational album ni Lorna Tolentino noong 2009 under Star Music, at producer din ng concerts ng kapwa niya Cornerstone talents na tulad nina Markki Stroem at Yeng Constantino.

Bukod sa pag-share ng practical knowledge tungkol sa chemicals at magbigay ng tips on disinfecting and cleaning sa kanyang Facebook Live show, may tsikahan din with celebrities si Pinky.

Continue reading below ↓

Namimigay rin siya ng mga papremyo sa kanyang FB live viewers.

At para sa season finale ng show, pinarangalan ang 10 ama na nagpamalas umano ng kabayanihan at kasipagan, at may kahanga-hangang mga kuwento.

Tumanggap ang bawat isa ng P50,000 mula sa panauhing si Mayor Singson.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nakatakdang P10,000 each ang matatanggap ng mga huwarang ama pero nagpasya si Singson na P50,000 ang ibigay.

Bumilib daw kasi siya sa mga karanasan ng pagpupunyagi ng mga tatay na patuloy ang pagsisikap sa kabila ng dinaranas na kahirapan.

“Ang hinahanap ko talaga ay yung mga tao na masisipag para matulungan,” pahayag ni Singson na nagdiwang ng 79th birthday noong June 21.

Samantala, ikinuwento naman ni Pacquiao kay Tobiano at sa co-host nitong si Moi Bien ang hirap ng pamumuhay nila ng kanyang pamilya noong struggling boxer pa lamang siya.

Ibinahagi ni Pacquiao na tinuturuan nito ang kanyang mga anak na kumain ng mga pagkain na pang-tawid gutom nila noong mahirap pa siya.

Continue reading below ↓

“Iba yung pagkain na nakagisnan mo, hinding-hindi mo makakalimutan, at yun ang pinakapaborito ko. Tinuturuan ko ang mga anak ko na kumain.

“Sabi ko sa kanila, ito yung kinakain ng papa ninyo noong mahirap.Talagang isang kahig, isang tuka kami at wala kaming pera na pambili ng pagkain.

"Ito lang, saging, minsan gabi, kamoteng-kahoy…yun lang ang pagkain namin,” ang sabi ni Pacquiao.

Hindi naman nakaligtaan ng boxer at senador na magbigay ng mensahe para sa kaarawan ni Singson na itinuturing niyang pangalawang ama.

“Si Pareng Chavit, napakabait na tao. Ang daming nanloko sa kanya pero pinapatawad niya. Yung iba kasi, iba ang impression kay Gov, pero ako ang magsasabi sa kanila wholeheartedly na kilala ko si Gov.

“Napakabait niya na tao, matulungin, maawain. Yun nga lang, si Gov, salbahe din siya sa mga tao na salbahe. Hindi natatakot.

"Pero pagdating sa kabaitan, tulong, matulungin, maawain pero kapag tarantado ka naman, lalabanan ka niya.Tarantado rin,” ang sabi ni Pacquiao.

Continue reading below ↓

At bilang kaarawan ni Singson noong June 21, pumayag itong ipakilala sa publiko ang kanyang youngest child, ang five-year-old na si Rhian na napanood sa kauna-unahang pagkakataon sa online show ni Tobiano.

Sina Pacquiao, Singson, Ruffa Gutierrez, Erik Santos, at Miss Universe 2018 Catriona Gray ang ilan sa mga entertainment personalities na nagpaunlak noon na maging bisita sa Essential Cleaning Tips with Chemist Pinky Tobiano.

Para sa susunod na season, nangako si Tobiano na mas malalaking premyo ang kanyang ipamamahagi.

Aniya, “We'll be back with a stronger, bigger and with a lot of gifts in our next season."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa online show ng chemist na si Pinky Tobiado (itaas, kanan), ipinakilala ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis "Chavit" Singson (itaas, kaliwa) ang kanyang youngest child na si Rhian. Kasama sa tsikahan sa online show sina Senator Manny Pacquiao (ibaba, kanan), at Moi Bien (ibaba, kaliwa).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results