Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Gladys Guevarra at Boobsie, ikinalungkot ang pagsasara ng Klownz at Zirkoh

by Jojo Gabinete
3 days ago
Nagpahayag ng kalungutan ang stand-up comedians na sina Gladys Guevarra (kaliwa) at Boobsie Wonderland (kanan) kasunod ng pagsasara ng comedy bars na Klownz at Zirkoh, kung saan naging regular performers sila.
PHOTO/S: Instagram

Nagpahayag ng kalungkutan sina Gladys Guevarra at Boobsie Wonderland dahil sa pagsasara ng mga comedy bars na pag-aari ng kanilang kapwa comedian at TV host na si Allan K.

Sina Gladys at Boobsie ang dalawa sa regular performers sa Klownz at Zirkoh, na tuluyan nang magsasara sa July 29.

Para kay Boobsie, utang na loob niya kay Allan at sa mga comedy bars nito ang pagkakaroon niya ng showbiz career.

Pahayag ni Boobsie sa kanyang Facebook post: "Nakakalungkot mang isipin pero ganun talaga ang buhay... hindi akalain ng dahil sa virus na kinatakutan at pumatay ng libo-libong tao, maraming pinalungkot, ginutom, sinira at winasak na pangarap!

"Pero ang lahat ng ito ay pagsubok lamang kung gaano tayo katatag.

"Maraming salamat my Klownz and Zirkoh Family, lalong-lalo na sa’yo Boss Allan K.

"Kung hindi dahil sa pagtitiwala mo sa kakayanan ko, hindi ako magiging si Baby Boobsie Wonderland.

"Maraming Salamat sa lungkot at saya. Sa muling pagkikita!

Continue reading below ↓

"Mahal ko kayong lahat, kapit lang mga kapatid.

"Manalig tayo sa Itaas. Lord, ikaw na po ang bahala."

Nag-umpisa ang showbiz career ni Boobsie Wonderland bilang sexy star noong dekada ’90.

Mystica Suarez ang dating screen name ni Boobsie, at kasabayan niya noon ang mga sexy stars na sina Aya Medel at Camille Roxas.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

At the time, balingkinitan pa ang pangangatawan ni Mystica aka Boobsie, at in demand siya sa pagsasayaw sa mga men’s club.

HOT STORIES

GLADYS GUEVARRA

Malalim naman ang hugot ni Gladys tungkol sa pagsasara ng mga comedy bars na nagkaroon ng malaking bahagi sa buhay niya.

Sa pamamagitan ng isang mahabang Facebook post, sinariwa ni Gladys ang mga karanasan niya sa Zikroh at Klownz.

Lahad niya, “Saksi ang Klownz Comedy Bar Quezon Avenue at Zirkoh sa maraming pangyayari sa buhay ng isang Gladys Guevarra.

“Masuwerte pa rin akong hanggang sa dulo eh pinagtiwalaan pa rin ako ni Allan K Quilantang sa maliit na talentong meron ako.

Continue reading below ↓

“Hindi biro ang 18-years. Maraming halakhak at luha ang nangyari.

"Maraming nakilalang mga kaibigan, naging close, nawala. ‘Yung iba bumalik.

“Maraming masasayang ganap, magsimula man ng operation hanggang after ng closing. May mga kaibigang nagpaalam at namaalam.

“May mga samaan ng loob, pagkakaibigang pinatibay din namn.

"Dumating na lovelife, nag-stay, nawala. Bonding, tsismisan.

"Makailang beses na nagpalit ng musikero, nagbago ng image, pananamit, make up, iniinom hanggang outlook sa buhay.

"May mga d’yan lang nakilala pero hanggang ngayon, kaibigan pa.

"May mga hecklers, bashers, mga lasing na papansin, nagtitinda ng sampaguita, magnanakaw, mandarambong, nagtitinda ng mani, balut, chicharon, fishball sa backstage.

"Mga asong kalye na ang pangalan ay puro Hollywood artists.

"May nagtitinda ng ulam pag Friday. May vendor na nauutangan ng kape.

"Mga P.A. na maldita pa sa amo, may P.A. na epal, may P.A. na ipaglalaban ka ng patayan.

"May hosts waiter na masisipag, ‘yung isa parang nabakla na kase saulo na mga spiels.

Continue reading below ↓

"May napupulutan ng hindi alam pero may napupulutan naman ng katuwaan lang.

"May mga araw din na lahat may hanash pero siyempre, sinasarili na lang.

"Lahat na. Halo-halo na d’yan. Isipin n’yo na lahat, naganap na d’yan.

"Utang, ismiran, plastican. Tawanan, mahalan, awayan, tarayan, parinigan, buweltahan.

"Sa isang bahay, hindi mawawala ‘yan.

"Pero makailang taon din akong nag-Pasko na wala ang sarili kong pamilya at itong pamilyang ito ang kasama ko.

"Maraming-maraming salamat sa inyong lahat.

"Alam kong hindi naman lahat gusto ako pero di rin naman lahat ayaw sa akin. Ganun lang ‘yon, balanse ‘ika nga.

"Dahil ako, may mga gusto rin naman ako at may ayaw.

"But again, thank you sa inyong lahat for those 18-years. Thank you sa 18-years na makulay at puno ng buhay.

"Sana hindi dito matapos lang ito, sana ay manatili ang pagkakaibigang nabuo nating lahat."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagpahayag ng kalungutan ang stand-up comedians na sina Gladys Guevarra (kaliwa) at Boobsie Wonderland (kanan) kasunod ng pagsasara ng comedy bars na Klownz at Zirkoh, kung saan naging regular performers sila.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results