Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Claudia Zobel: ang bold star na hindi inagnas ang bangkay at tumalo noon kay Sharon Cuneta sa box office

by Jojo Gabinete
3 days ago
Thirty-seven years ago, ipinalabas sa mga sinehan noong June 30, 1983 ang Shame, ang launching movie ng bold star na si Claudia Zobel. Makalipas lang ng halos isang taon, noong February 10, 1984, pumanaw si Claudia sa isang car accident.

Siya ba ay isang makasalanan o isang santa?

Ito ang tanong ng mga taong hindi malaman ang paniniwalaan dahil hindi nabulok ang bangkay ng bold actress na si Thelma Maloloy-on o mas kilala bilang si Claudia Zobel.

Ito ay makalipas ang dalawampu’t siyam na taong pagkakalibing sa Queen City Memorial Garden sa Cebu City.

Sinner or Saint ang pamagat ng isa sa mga huling pelikula ni Claudia bago siya binawian ng buhay sa edad na 18.

Pumanaw si Claudia sa isang car accident na nangyari sa harap ng Mantrade sa Pasong Tamo, EDSA, Makati City, noong February 10, 1984.


Continue reading below ↓

Photo: An article about Claudia Zobel's tragic death published by Times Journal on February 11, 1984

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Forbidden ang original title ng Sinner or Saint.

Pero nang mamatay si Claudia, nagpasya ang Regal Films producer na si Mother Lily Monteverde na palitan ng Sinner or Saint ang pamagat nito.


Nang ipalabas ito sa mga sinehan noong March 7, 1984, added attraction ang full coverage ng burol niya sa Loyola Memorial Chapels sa Guadalupe, Makati City, at ang libing ng namayapang bold star sa Cebu City.

Continue reading below ↓

INCORRUPT remains of claudia zobel

Noong August 27, 2013, hinukay ang pinaglilibingan ng bangkay ni Claudia.

Namatay noon ang kanyang 75-year-old father kaya nagdesisyon ang pamilya nilang isama sa ataul ng kanilang ama ang mga buto ni Claudia.

Pero nang buksan ang kabaong ng pumanaw na aktres, nabigla ang lahat dahil buong-buo pa rin ang kanyang katawan.

May 29 na taon na ang nakalilipas.

Naging dahilan ito para ikumpara ang kaso niya sa incorrupt body ng mga santa.


Continue reading below ↓

"Maybe she’s really a saint," reaksiyon ni Anthony Garcia sa panayam sa kanya ng The Freeman.

Si Freddie ang isa sa mga kaibigan ni Claudia na personal na nakita ang hindi naagnas na bangkay ng pumanaw na sexy actress.

Pero may scientific explanation si Philippine National Police Crime Laboratory-7 Medico Legal Officer Nestor Sator.

Ipinaliwanag ni Sator na nagiging mummified ang isang bangkay dahil sa heat exposure, uri ng lupang pinaglibingan, mahusay na pagkakaembalsamo, at sa mahigpit na pagkakasara ng kabaong kaya hindi ito pinasok ng tubig at bacteria.

“Water hastens decomposition due to bacteria and if there is no leaking of water, then the body will be preserved. We can consider it as natural process of nature,” pahayag ni Sator sa The Freeman noong August 2013 tungkol sa incorrupt body ni Claudia.

Napatunayang totoo ang paliwanag ni Sator dahil noong November 2019, muling hinukay ang libingan ni Claudia para isama ang labi ng kanyang namatay na ina.

Continue reading below ↓

Dito nakita na tuluyan nang naagnas ang kanyang bangkay.

Dito napabulaanan ang akala ni Garcia na isang santa ang Sinner Or Saint star.

CLAUDIA ZOBEL'S CONTROVERSIAL LAUNCHING MOVIE

Thirty-seven years ago today, ipinalabas sa mga sinehan noong June 30, 1983 ang Shame—ang launching movie nina Claudia Zobel at Patrick dela Rosa.


Continue reading below ↓

Ang Regal Films ang producer ng Shame, at idinirek ito ni Elwood Perez.

Gumawa ng malaking ingay ang launching movie ni Claudia dahil nagprotesta ang mga pari at mga moralista na hindi nagustuhan ang Senakulo scene ng pelikula.

Dahil sa reklamo ng mga alagad ng simbahan, nagdeklara ng ban ang Board of Censors sa Shame.

Pero ipinalabas din sa mga sinehan ang pelikula nang makipag-compromise si Mother Lily na alisin ang mga eksenang ikinagagalit ng mga pari.

Certified blockbuster ang Shame dahil sa ingay na nilikha nito, at sa publicity na kolehiyala at isang tunay na Zobel si Claudia.

Saksi kami sa mahabang pila ng manonood sa mga sinehan na pinagtanghalan ng Shame.

Tinalo ng launching movie ni Claudia sa box office ang kasabay na pelikula, ang To Love Again, ng Viva Films.

Bida sa To Love Again si Sharon Cuneta, na biggest teenage star noon.

Introducing sa To Love Again si Miguel Rodriguez, ang leading man ni Sharon; samantalang si Patrick ang kapareha ni Claudia sa Shame.

Continue reading below ↓


Miguel Rodriguez and Sharon Cuneta

Ang pagiging Close-Up commercial model ang common denominator noon nina Miguel at Patrick.

Pumanaw si Miguel dahil sa pancreatitis, noong February 14, 1997, sa edad na 35.

HOT STORIES

PATRICK DELA ROSA ON 37TH ANNIVERSARY OF SHAME

“Wow, I’m very glad na ise-celebrate namin ang 37th anniversary ng Shame, ang aking very first movie," reaksiyon ni Patrick nang makausap siya ng Cabinet Files sa telepono kagabi, June 29.

Continue reading below ↓

"I can’t imagine na it’s been thirty-seven years. I’m very happy and excited.

"I’m very proud sa movie na ginawa ko noong 19 years old ako."

Kuwento pa ni Patrick, "Wala akong acting experience, but before the shoot, binigyan kami ni Direk Elwood Perez ng two-week acting workshop kay Frank Rivera.

"One month ang preparation namin ni Claudia para sa shooting ng Shame.

"Kami ni Claudia noon, sobrang tuwang-tuwa dahil Sharon Cuneta movie, tinalo namin.

"Even si Mother Lily, tuwang-tuwa, binigyan niya kami ng bonus.

"Kasi kay Mother, sugal yung pagpo-produce niya ng Shame.

"Pareho kaming baguhan ni Claudia, wala pa kaming napapatunayan.

"Pero in fairness, magaling na direktor si Direk Elwood.

"Maganda yung chemistry ng movie. Bumagay sa amin ni Claudia yung mga karakter namin," kuwento ng ngayo'y U.S.-based actor.


Continue reading below ↓

Maraming memories si Patrick tungkol sa shooting ng kanyang unang pelikula.

“If I’m not mistaken, inabot ng three months ang shooting namin ng Shame dahil puro kami mga location.

"At the time pati, yung ibang mga artista, hindi available, saka hinabol namin yung Senakulo tuwing Holy Week.

"Yun ang eksena na inireklamo ng mga pari."

PATRICK ON CLAUDIA

Patuloy na lahad ni Patrick, "Si Claudia, naging close kami. Very close kami.

"Sobrang bait niya at saka galing din siya sa ordinaryo na pamilya.

"Down-to-earth at napakasimpleng tao talaga.

“Ang akala nga ng iba, may relasyon kami. Pero actually, wala. Parang love team lang talaga kami.

"Tatlong pelikula ang ginawa namin—Shame, Uhaw Sa Pag-Ibig, at saka Sinner or Saint.

"Pagkatapos ng Sinner or Saint, naaksidente na siya.

"Dapat may project pa kami na gagawin, at si Direk Lino Brocka ang plano na direktor. Pero naaksidente nga si Claudia.

"Shocked na shocked ako noon. Hindi ako makapaniwala na naaksidente at namatay siya."

Continue reading below ↓

Lalong hindi makapaniwala si Patrick nang malaman niyang intact pa rin ang bangkay ni Claudia nang hukayin ang libingan nito noong August 2013, matapos ng dalawamput-siyam na taon.

THE TRAGIC CAR ACCIDENT

Ang car accident na kumitil sa buhay ni Claudia ang aksidenteng tinutukoy ni Patrick.

Si Claudia ang nagmamaneho ng Mitsubishi Colt na may plate number PDS 119 sa aksidenteng nangyari noong February 10, 1984, 4:30 ng madaling-araw.

Pag-aari ng fashion designer na si Goulee Gorospe ang sasakyang ginamit ni Claudia.

EDSA northbound si Claudia at ang kanyang tatlong kasama.

Bago pa lamang natututo noong magmaneho si Claudia. Lumipad sa southbound lane ang kotseng Colt at bumangga sa kotseng Brasilia na may apat na pasahero.

Nasaksihan ng aktor na si Al Tantay ang aksidente.


Continue reading below ↓

Al Tantay

Kabilang siya sa mga sumaklolo kay Claudia, na nabugbog nang husto ang katawan nang maipit ito sa pagitan ng driver’s seat at steering wheel ng minamanehong sasakyan.

Hindi nakilala ni Al si Claudia nang isinugod niya ito sa Makati Medical Center.

Nang makarating sa ospital, saka lamang nalaman ni Al ang tunay na katauhan ng biktima na kanyang tinulungan.

Ibinurol si Claudia sa Loyola Memorial Chapels Guadalupe, bago dinala ang kanyang bangkay sa Mambaling, Cebu—ang bayan na sinilangan niya.

Binuksan sa publiko ang lamay para kay Claudia sa Loyola Memorial Chapels, at kabilang kami sa mga nagpunta kaya natatandaan naming kulay puti at closed neck ang kanyang damit na suot.

CLAUDIA ZOBEL-STELLA STRADA RIVALRY

Si Stella Strada, prized star ng Seiko, ang arch rival noon ni Claudia Zobel.

Sa tuwing may pelikula si Stella na palabas sa sinehan, napipilitan ang mga may-ari ng stand-alone theaters na magsara dahil wala nang espasyo para sa moviegoers, lalo na ang mga kalalakihang nagkakagulo at nag-uunahan makapasok.

Continue reading below ↓


Stella Strada

Nagpunta si Stella sa Loyola Memorial Chapels para makiramay at magbigay–pugay sa kanyang karibal sa trono sa paggawa ng sexy films.

Makalipas lamang ng sampung buwan, si Stella naman ang pinaglamayan sa mismong chapel na pinagburulan kay Claudia.

Nagpakamatay si Stella noong December 28, 1984. Nagbigti ito sa apartment na inuupahan niya sa Jose Abad Santos Street, San Juan City.

Continue reading below ↓

DIREK ELWOOD PEREZ ON CLAUDIA

Hindi lamang si Patrick ang may fond memories tungkol kay Claudia, dahil may kuwento rin si Elwood Perez, ang direktor ng Shame.

"She could well be the most appreciative actor among those I launched," sabi ni Elwood sa panayam sa kanya ng Cabinet Files via Facebook messenger.

"I will always remember that time when—after the blockbuster release of her launching film and her screen name suddenly became a household word—she paid me a visit at Avalon along with her boyfriend.

"She brought me 'pasalubong' that was to be our sumptuous lunch.

"That was the last time she and I were together, but I felt a certain bond between the two of us.

"Although it is a matter of fact that through the years, believe it or not, I generally keep a certain aesthetic distance from movie stars,” ani Elwood.


Continue reading below ↓

Elwood Perez

inday badiday

Ang Queen of Intrigues na si Inday Badiday (August 6, 1944-September 26, 2003) ang nagkuwento sa amin noong 2000 tungkol sa hindi niya makalilimutang pagtatagpo nila ni Claudia sa Regal Films office.


Inday Badiday

Ayon kay Inday, tinawagan siya ni Mother Lily sa telepono dahil gusto nitong ipainterbyu ang baguhang contract star ng Regal Films na binigyan niya ng screen name na Claudia Zobel.

Continue reading below ↓

Ikinuwento ni Inday na wala pa si Mother Lily nang dumating sila ng kanyang crew sa Regal Films office.

Isang babae ang naabutan nila sa opisina.

Dahil coffee drinker si Inday, inutusan niya ang babae na ipagtimpla siya ng kape.

Sinabi sa amin ni Inday na hiyang-hiya siya sa sarili nang ipakilala sa kanya si Claudia, dahil ito ang babaeng kanyang inutusan magtimpla ng kape.

Ibang-iba raw kasi ang hitsura ni Claudia, na bata lang tingnan sa personal, nguni't nag-uumapaw ang sex appeal at star quality kapag tinutukan na ng kamera.


Continue reading below ↓

Pinatotohanan ng former television host at film critic na si Butch Francisco ang anecdote tungkol kina Inday at Claudia.

Short-lived lamang ang acting career ni Claudia kaya walang masyadong kuwento si Butch.

Pero siya ang nagsabing bilib na bilib ang yumaong National Artist for Films na si Lino Brocka sa pumanaw na aktres.

Personal choice ni Brocka si Claudia para sa isang karakter sa 1984 critically acclaimed movie na Bayan Ko: Kapit Sa Patalim.


Continue reading below ↓

Hindi natapos ni Claudia ang shooting ng pelikula dahil nasawi siya, pero hindi tinanggal ni Brocka ang mga eksena niya.

Si Butch ang nagpaalala na sa kabila ng sandaliang showbiz career ni Claudia, nagkaroon ito ng acting nomination.

Na-nominate si Claudia bilang pinakamahusay na aktres sa 9th Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino noong 1984 dahil sa pagganap niya sa Sinner or Saint.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Thirty-seven years ago, ipinalabas sa mga sinehan noong June 30, 1983 ang Shame, ang launching movie ng bold star na si Claudia Zobel. Makalipas lang ng halos isang taon, noong February 10, 1984, pumanaw si Claudia sa isang car accident.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results