Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Biro ni Joey de Leon tungkol sa comedy bars ni Allan K, nagkatotoo na

by Jojo Gabinete
2 days ago
May pag-asa kayang makabalik ang Klownz at Zirkoh ni Allan K (kaliwa) kapag humupa na ang pandemya?
PHOTO/S: @allan_klownz Instagram

Ang madalas na pagbibiro ni Joey de Leon sa Eat Bulaga! na magsasara na ang Klownz at Zirkoh ang naalaala ng netizens nang maiulat na hanggang July 29 na lamang ang operasyon ng mga comedy bar na pag-aari ni Allan K.

Unang itong naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong umaga ng Martes, June 30.

Maraming beses na nagbiro si Joey kay Allan tungkol sa pagsasara ng Klownz at Zirkoh.

Kaya maging maingat sa pagbibitaw ng salita, ang paalaala ng netizens, dahil posibleng magkatotoo ito.

Nagsara ang Klownz at Zirkoh nang ipatupad ni President Rodrigo Duterte ang enhanced community quarantine noong March 15, 2020.

Daan-daang libong piso ang monthly rental ni Allan sa Klownz at Zirkoh.

Ang siste, prerogative ng mga building owner kung maniningil sila ng upa, kahit tatlong buwan nang sarado at walang kita ang mga negosyante.

Sa kaso ni Allan, patuloy ang pagbabayad niya ng renta nitong nakalipas na three and a half months na nakasara ang comedy bars.

Continue reading below ↓

Dahil sa kawalan ng kita, nagdeklara na siya ng bankruptcy.

Sa kabila ng malungkot na pangyayari, umaasa ang mga empleyado ng Klownz at Zirkoh na magbubukas ng negosyo si Allan kapag natapos na ang malaking problemang dala ng coronavirus pandemic.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Isang insider ang nagsabi sa Cabinet Files: Hangga’t walang ibang negosyante na uupa sa lugar na kinatatayuan ng Zirkoh sa Tomas Morato Avenue, Quezon City, puwede itong balikan at rentahan ni Allan K.

Ito ay sakaling magdesisyon ang comedian-host na muling buksan ang comedy bars, na labing-anim na taon naghatid ng kaligayahan sa mga parokyano.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May pag-asa kayang makabalik ang Klownz at Zirkoh ni Allan K (kaliwa) kapag humupa na ang pandemya?
PHOTO/S: @allan_klownz Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results