Vilma Santos, nagpasalamat sa Vilmanians; Maricel Soriano, ayaw ng Facebook para iwas-bashers

by Jojo Gabinete
Jul 1, 2020
Mataas pa rin ang respeto ng marami kina Vilma Santos (kaliwa) at Maricel Soriano (kanan) dahil sa napapanatili nilang pribado ang kanilang personal na buhay at hindi nakikisawsaw nang basta-basta sa mga isyu.
PHOTO/S: Facebook / Noel Orsal

Sina Vilma Santos, Maricel Soriano, at Nora Aunor ang tatlo sa mga aktres na itinuturing na Reyna ng Pelikulang Pilipino.

Hanggang ngayon, mataas pa rin ang respeto ng publiko sa kanila dahil alam nila kung saan sila lulugar.

Hindi natin sila napapanood sa mga social media o Facebook Live na nagbubuhos ng sama ng loob at ikinukuwento sa publiko ang mga problema nila sa buhay.

Hindi rin nila ginagawang basehan ng kasikatan ang dami ng bilang ng kanilang followers sa social media na, kadalasan, ang mga loyal fans nila ang administrator.

Sa gitna ng coronavirus pandemic, nakakapagod na rin ang mga madadramang pag-iyak, pamumulitika, at pakikipag-away ng ibang mga artista sa mga taong itinuturing nilang bashers dahil pinupuna ang kanilang mga pag-iingay sa social media.

VILMA SANTOS

Kaya naman “a breath of fresh air” ang video message ni Vilma sa lahat ng kanyang mga supporters.

Pinatunayan ni Vilma ang pagiging Star for All Seasons dahil imbes na makigulo sa mga isyung pinagkakaabalahan ng mga kapwa artista, nagpasalamat siya sa mga tagasuporta niya.

Continue reading below ↓

Nagbigay rin ng assurance ang Lipa City representative na hindi magbabago ang kanyang pagmamahal sa fans niya.

Pahayag ni Vilma sa video message niya para sa Vilmanians:

"Gusto ko lamang pong batiin kayong lahat, at the same time, magpasalamat sa lahat ng inyong suporta, pagod at pagmamahal na ibinibigay sa akin.

"May time po ako ngayon kaya nababasa ko po ang lahat ng inyong mga messages.

"Maraming-maraming salamat po sa pagmamahal.

"Basta tandaan po ninyo, sa abot ng aking makakaya, susuklian ko po lahat ang inyong tiwala, pagmamahal, at suporta na ibinibigay sa akin.

"I love you all, and please stay safe, ha? May COVID-19 pa tayo.

"I just want you to know that I love you all.

"Thank you my Vilmanians, God bless you."

Continue reading below ↓

MARICEL SORIANO: NO TO FACEBOOK

Hinding-hindi dapat makalimutan ang sinabi ni Maricel tungkol sa respeto at sa pagiging aktibo ng mga artista sa social media.

Saad niya sa panayam ng PEP.ph noong April 23, 2018, "Mahirap makipag-away sa hindi mo nakikita.

"Ayoko ng ganyan, ayoko ng mga away-away.

"Never akong nag-Facebook. Bakit mo pa gugustuhin na magkaroon ng kaaway?

"Huwag na, live na lang, sapakan agad!

"Yun pala ang gusto, di ba? Hahaha!" natatawang sabi ni Maricel.

Ayaw na ayaw ni Maricel magkaroon ng mga bashers.

Paliwanag niya, "Gusto mo pa ba yun, sa edad kong ito? Ayoko.

"Ang importante sa akin, yung respeto.

"Ayoko ng binabastos ako nang ganoon. Sa edad ko ba namang ito?

"Tataasan ko na lang sila ng kilay, tama na.

"Bakit mo gusto na mang-away pa? Nakakapagod!

"Kung dati siguro, mga bata pa, baka pa.

"Pero ngayon, may edad na, parang nakakahiya. Nakakahiya na."

Maaaring gawing halimbawa sina Vilma at Maricel ng ibang popular stars na biktima ng pambabastos sa social media.

Continue reading below ↓

Kung maaari ay bawasan nila ang oversharing sa publiko ng mga nangyayari sa kanilang personal na buhay at pakikisawsaw sa mga isyu, kahit hindi naman kailangan ang opinyon nila.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mataas pa rin ang respeto ng marami kina Vilma Santos (kaliwa) at Maricel Soriano (kanan) dahil sa napapanatili nilang pribado ang kanilang personal na buhay at hindi nakikisawsaw nang basta-basta sa mga isyu.
PHOTO/S: Facebook / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results