Laffline comedy bar, magsasara na rin; Punchline, posibleng magbalik

by Jojo Gabinete
Jul 4, 2020
Ang Punchline at Laffline ang pinag-umpisahan ng careers ng successful comedians/hosts na sina Vice Ganda, Ethel Booba, Pooh, Anton Diva, Wacky Kiray, at ang yumaong si Chokoleit.
PHOTO/S: Facebook

Ang mga comedy bar ang isa sa pinakamatinding tinamaan ng coronavirus pandemic.

Kaya masakit man sa kanyang kalooban, tuluyan nang isasara ni Allan K ang Zirkoh at Klownz.

Kagabi, July 3, kinumpirma ng entertainment manager na si Orli Domingo ang pagsasara rin ng Laffline.

Pero may paglilinaw siya tungkol sa balitang magsasara ang Punchline, ang sister company ng Laffline.

Ang Punchline at Laffline ang pinag-umpisahan ng careers ng successful comedians/hosts na sina Vice Ganda, Ethel Booba, Pooh, Anton Diva, Wacky Kiray, at ang yumaong si Chokoleit.

Ayon kay Orli, "Si Mr. Ricardo Castañeda po ang may-ari ng Punchline at Laffline.

"Yung kinatitirikan po ng Punchline sa Quezon Avenue, lupa ni Mr. Castañeda. At yung puwesto po ng Laffline, inuupahan lang niya.

"Since yung Laffline, na along Timog Avenue, inuupahan lang at lockdown, hindi na po mababayaran ang renta.

"Tuloy-tuloy po ang bayad kahit sarado.

"Ang Punchline po, dahil lupa ito ng may-ari, ang sabi niya po sa akin, kung sakaling bumalik sa normal at magkaroon na ng vaccine, hindi na kailangan ng face mask at social distancing, saka siya magbubukas."

Continue reading below ↓

Bago pa man nagdeklara si President Rodrigo Duterte ng enforced quarantine sa Luzon dahil sa COVID-19 pandemic, nauna nang nagsara ang Punchline at Laffline noong March 10, 2020.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Marami sa mga staff at comedy bar hosts ang nawalan ng trabaho, pero hindi raw nagpabaya ang management ng Punchline at Laffline.

Sabi ni Orli, "Nagkaroon po kami ng online show noong April 28, at kahit papaano, nakalikom ng mga bigas at pera na hinati-hati namin sa staff."

Wala naman siyang idea tungkol sa huling araw ng operasyon ng Laffline.

"Ang makakasagot lang po niyan, yung may-ari. Pero ang alam ko po, hindi na siya magbubukas.

"Kagaya po ng sinabi ni Anton Diva sa interbyu sa kanya, wala na yung mga speaker, wala na yung mga upuan."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Punchline at Laffline ang pinag-umpisahan ng careers ng successful comedians/hosts na sina Vice Ganda, Ethel Booba, Pooh, Anton Diva, Wacky Kiray, at ang yumaong si Chokoleit.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results