PBA player Arwind Santos, naka-perfect score sa Bawal Judgmental

by Jojo Gabinete
Jul 4, 2020
Sa lahat ng mga celebrity players ng Bawal Judgmental, ang PBA player na si Arwind Santos ang namumukod-tanging hindi sumablay sa kanyang mga pinili.
PHOTO/S: Screen grab from Eat Bulaga!

Gumawa ng kasaysayan ang PBA player na si Arwind Santos sa "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga! ngayong Sabado, July 4.

Si Arwind ang kauna-unahang celebrity player sa Bawal Judgmental na nakakuha ng perfect score dahil tama ang "panghuhusga" na ginawa niya.

Hindi nabawasan ang kanyang jackpot prize na P50,000.

Mga comedy bar hosts at performers na tumanggap ng mga parangal bilang entertainer, nagkaroon ng karelasyong foreigner, at may college degree ang mga pinahulaan sa San Miguel Beermen player.

Dahil hindi siya nagkamali sa lahat ng kanyang mga sagot, sinabi ng Eat Bulaga! host na si Vic Sotto na Most Valuable Player din si Arwind sa "Bawal Judgmental," hindi lamang sa PBA.

Nagsimula ang "Bawal Judgmental" noong October 29, 2019.

Sa lahat ng mga celebrity players, si Arwind ang namumukod-tanging hindi sumablay sa kanyang mga pinili.

THE SAD STORIES OF STAND-UP COMEDIANS

Nabahiran naman ng lungkot ang masayang interaction nina Paolo Ballesteros at Jose Manalo nang magkuwento ang mga stand-up comedian tungkol sa mga pagsubok na kanilang pinagdaraanan dahil sa pagsasara ng mga comedy bar.

Continue reading below ↓

Isa ang comedy bars sa mga sektor ng entertainment industry na naapektuhan nang matindi ng coronavirus pandemic.

"Ang hirap bumangon," lumuluhang pahayag ni Bigmouth.
"Kasi hindi ko kayang ibaba ang pride ko bilang komedyante.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Lagi kaming nakikita sa entablado, hindi namin kayang ibaba ang pride namin na ngayon nagtitinda kami, pumupunta sa mga bahay-bahay.

Continue reading below ↓

"Ako, nagre-resell, kasi kailangang-kailangan namin, pero ginagawa ko.

"Kailangan kong maging matatag kasi dalawa lang kami ng nanay ko, so ayokong bigyan siya ng stress."

Bukod sa pagtitinda, ang mga online shows ang pansamantalang ikinabubuhay ng stand-up comedians na nawalan ng mga trabaho at dumaranas ng depression.

"Nag-e-FB Live po kami," sabi ni AJ Tamiza.


Continue reading below ↓

"Ngayon, together with the Zirkoh family, yung ginagawa namin every 8:30 P.M., sa Zirkohvery Channel, at least nandoon pa rin ang pangalan ng Zirkoh.

"Every night, meron kaming mga iniimbitahang guest—either from politics, artista, sports...

"Kuwentuhan, nagso-show din kami, kumakanta...

"Nanghihingi kami ng pre-loved items from them. Ipinapa-auction namin.

"Kung anuman yung makukuha namin, yun ang paghahatian namin."

Kabilang din sa naging choices ni Arwind sina Boobay, Boobsie, Dandan, Orca, at George.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa lahat ng mga celebrity players ng Bawal Judgmental, ang PBA player na si Arwind Santos ang namumukod-tanging hindi sumablay sa kanyang mga pinili.
PHOTO/S: Screen grab from Eat Bulaga!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results