Lovely Embuscado, lumabas na sa mental institution; nanay niya, na-confine din

by Jojo Gabinete
Jul 5, 2020
Na-discharge na sa National Center for Mental Health ang singer na si Lovely Embuscado (kaliwa) noong June 30. Ang ka-batch niyang si Krizza Neri (kanan) ang sumundo sa kanya.

Makalipas ang halos apat na buwang pananatili sa National Center for Mental Health (NCMH), umuwi na si Lovely Embuscado sa tahanan nila sa Baseco, Tondo, Manila.

Maayos na ang kanyang kalagayan, pero kailangan pa rin niyang sumailalim sa monthly check-up.

Lumabas si Lovely sa NCMH noong Martes, June 30.

Sinundo siya ni Krizza Neri, ang grand winner at batchmate niya sa Season 1 ng Protégé: The Battle for the Big Break, ang talent search show ng GMA-7 noong 2011.

Si Krizza ang nagmalasakit at tumulong nang makita si Lovely, na kasama ang kanyang ina at stepfather, na naninirahan sa kalye sa Quezon City noong January 2020.

Sa tulong ng Kapuso Foundation ng GMA Network Inc., pinasuri ni Krizza sa doktor si Lovely.

Nalamang may schizophrenia si Lovely, at ipasok sa NCMH ang rekomendasyon.

Si Krizza ang may idea na magkaroon ng benefit concert para kay Lovely sa Zirkoh Morato noong February 8.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang perang nalikom ang ginamit sa pagpapagamot kay Lovely, at sa apat na buwang pamamalagi niya sa ospital.

Dahil sa COVID-19 pandemic, naghigpit sa NCMH kaya hindi makadalaw kay Lovely ang nanay nitong si Daisy.

Nagkaroon ng maling hinala ang ina ni Lovely na inilalayo ni Krizza sa kanya ang anak.

Nagreklamo si Daisy sa DSWD.

Pero nang magkita sila ni Krizza noong June 30, humingi siya ng paumanhin dahil gusto lamang niya umanong makalabas na si Lovely mula ospital.

Tinanggap na rin ni Daisy ang katotohanang, tulad ng kanyang anak, may mental illness din siya.

Sa tulong ng isang nagmamalasakit na doktor, na-confine si Daisy sa NCMH.

At tulad ni Lovely, patuloy ang pag-inom niya ng gamot.

Malaking tulong kay Lovely ang confinement sa NCMH dahil nadagdagan ang kanyang timbang, at bumabalik na sa normal ang pag-iisip niya.

Ipagdasal nating magtuluy-tuloy na ang paggaling ng mag-ina.

Ngayong nasa outside world na muli si Lovely, huwag sanang makaapekto sa kanyang mental at physical health ang mga pangyayari sa paligid niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mapalad ang mag-ina dahil may isang kagaya ni Krizza na taus-puso ang pagtulong sa kanila at walang kapalit na hinihingi, maliban sa huwag nang bumalik sa dati ang kalagayan ng kanyang kaibigan.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Na-discharge na sa National Center for Mental Health ang singer na si Lovely Embuscado (kaliwa) noong June 30. Ang ka-batch niyang si Krizza Neri (kanan) ang sumundo sa kanya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results