Red-letter day ang darating na Sabado, July 11, para sa loyal viewers ng Wish Ko Lang.
Muling magbabalik ang kanilang paboritong public service show na opisyal na nagpaalam noong February 15, 2020 matapos ang 18 taong pamamayagpag sa telebisyon.
Ipagpapatuloy ng programa ni Vicky Morales ang muling pagbibigay ng pag-asa sa ating mga kababayang naapektuhan ng pandemya.
Ang coronavirus pandemic ang dahilan kaya nagdesisyon ang GMA Public Affairs na ibalik ang Wish Ko Lang, na nakapagbigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga Pilipino buhat nang magsimula noong June 29, 2002.
Ito ang announcement ng GMA Public Affairs tungkol sa pagbabalik ng top-rating public service program ni Vicky:
"Marami sa atin ang naapektuhan ng pandemya. Ang ilan ay nagkasakit, nawalan ng trabaho o nalugi ang negosyo. Ang iba ay nawalan ng mga minamahal sa buhay.
"Sa kabila ng lungkot, takot at kawalan ng kasiguraduhan sa mga dagok na ating haharapin. Isang programa ang tiyak na magbibigay pag-asa at inspirasyon.
"Hanggang hindi tayo napapagod humiling at maniwala, hindi tayo mapapagod lumaban sa buhay.
"Walang imposible kahit sa panahon ng pandemya dahil magbabalik na ang Wish Ko Lang ngayong Hulyo."
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika