Alden Richards at Maine Mendoza, lalong lumakas ang chemistry dahil sa TikTok dance

by Jojo Gabinete
Jul 7, 2020
Inaabangn ng Eat Bulaga! viewers ang Tiktok dance ng magka-love team na sina Maine Mendoza at Alden Richards (gitna); habang nakisali na rin sa TikTok craze ang mga senior citizens na sina Mike Enriquez (kaliwa) at Gina Pareno (kanan).

Sa Eat Bulaga, araw-araw na nagsasayaw ng Tik Tok sina Maine Mendoza at Alden Richards sa "Bawal Judgmental" segment ng programa.

Brilliant idea na pagsayawin sina Alden at Maine ng Tiktok dahil sa popular na popular ito ngayon sa mga Pilipino.

Kahit wala silang relasyon sa tunay na buhay, lalong lumakas ang chemistry nina Alden at Maine dahil sa kanilang TikTok dance moves.

Continue reading below ↓

Sumali na rin ang GMA News anchors na sina Mike Enriquez at Arnold Clavio sa TikTok dance craze bilang pagpupugay sa COVID-19 frontliners.

Kung bigay na bigay si Arnold sa pagsasayaw, tanging braso lamang ni Mike ang gumagalaw sa kanilang TikTok dance na nagbigay-aliw sa mga nakapanood sa video nila sa Instagram.

Continue reading below ↓

Hindi naman si Mike ang unang senior citizen na sumubok sa TikTok.

Ito rin ang natuklasang pampalipas-oras ng 70-year-old veteran actress na si Gina Pareño.

HONG KONG AND U.S. TO PULL OUT TIKTOK

Pero kung kinahuhumalingan ng mga Pinoy ang TikTok, bilang na ang araw ng Chinese video-sharing social networking service sa Hong Kong at Amerika.

Continue reading below ↓

Ang bagong national security law na ipatutupad sa Hong Kong ng Beijing government ang dahilan kaya nagdesisyon ang ByteDance, parent company ng TikTok, na i-pull out ang app mula sa special administrative region ng Republic of China.

Noong Lunes ng gabi, July 6, sinabi ni U.S. Secretary of State Mike Pompeo sa Fox News na pinag-aaralan ng US government ang banning ng American government sa TikTok.

Maaari raw kasi itong gamitin ng Beijing government sa surveillance at propaganda.

Ang India ang unang nagdeklara ng ban sa TikTok at sa ibang Chinese phone apps.

Ginagamit umano ito sa palihim na pangongolekta ng impormasyong may kaugnayan sa seguridad>

Nakukua ang impormasyon sa mga cellphone ng mga taong nagda-download ng mga nabanggit na apps.

Matindi na rin ang alitan ng India at China dahil sa border dispute.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inaabangn ng Eat Bulaga! viewers ang Tiktok dance ng magka-love team na sina Maine Mendoza at Alden Richards (gitna); habang nakisali na rin sa TikTok craze ang mga senior citizens na sina Mike Enriquez (kaliwa) at Gina Pareno (kanan).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results