Genesis Redido, tinanggap ang BL series na In Between para sa kapatid na trans woman

by Jojo Gabinete
Jul 8, 2020
Genesis Redido (left) on trans woman sister Maria Angela Trajano (right) experiencing discrimination: "Yung ate ko po, hindi sa pagmamayabang, maayos ang hitsura, maganda, tapos sasabihan mo nang... palaging may ganoon ang mga tao sa amin."
PHOTO/S: Instagram

Introducing sina Genesis Redido at Migs Villasis sa In Between, ang bagong Pinoy Boys Love series na mapapanood sa USPHTv sa Youtube simula sa July 11, 2020.

Volleyball player sa UST ang 22-year-old na si Genesis, samantalang basketball player ng Letran University at Trinity University of Asia ang 23-year-old na si Migs.

Dati nang lumalabas sa mga pelikula at TV si Migs, pero ang In Between ang biggest break niya sa pag-arte.

Unang acting project ni Genesis ang series na mula sa direksiyon ni Briliant Juan.

Iginiit ni Briliant na nagsimula ang shooting ng In Between noong February 2020, bago pa idineklara sa Luzon ang Enhanced Community Quarantine noong March 15.

Pahayag ni Genesis sa Zoom conference noong Lunes, June 6, "First acting experience ko po ito kaya sobrang excited. Handa na akong magpasaya ng maraming tao.

"To be honest, pinag-isipan ko po talaga ito kasi iba ang showbiz sa mundo namin sa sports.

Continue reading below ↓

"Bago sa akin ito, challenging po.

"Hindi siya typical BL series na kilig-kilig lang. Na-challenge ako dahil close to reality siya.

"As a volleyball player, sanay po ako sa mga challenge, kaya challenge accepted sa akin ito."

GENESIS'S SISTER

Ang pagkakaroon ng kapatid na trans woman ang isa sa mga dahilan kaya tinanggap ni Genesis ang alok na magbida sa In Between.

Continue reading below ↓

Ayon kay Genesis, regalo at parang tribute niya sa kanyang kapatid na si Maria Angela Trajano ang BL series na pinagbibidahan nila ni Migs.

"Gusto ko itong iregalo sa kapatid ko na trans woman. Iba po rin kasi ang suporta sa akin ng kapatid ko na yun.

"Nagbigay siya ng pointers at nagtanong din ako sa kanya. Actually, nag-worry ang ate ko.

Continue reading below ↓

"Sa Pilipinas po, alam natin na ang LGBTQ community, hindi pa talaga fully-accepted dito.

"Sabi niya, 'O, ready ka ba?'

"Sabi ko, 'Gagawin ko ito para sa 'yo. Para matulungan kita.'

"Hindi naman puwede na isa lang ang laging nakasuporta sa akin. Magandang regalo po ito para sa kapatid ko."

Ayon kay Genesis, maraming beses nang naging biktima ng discrimination ang kanyang kapatid na si Angel.

"Twenty four years-old po siya. Fresh graduate.

"Maraming beses na nakaranas ng discrimination, kasi po ang ate ko is 6’2 ang height. Beauty-queen type.

"So, kapag nagmu-mall kami... 'Ang tangkad naman nito, point guard ba ‘to?'

"So para sa akin, masakit po ‘yon.

"Yung ate ko po, hindi sa pagmamayabang, maayos ang hitsura, maganda, tapos sasabihan mo nang... palaging may ganoon ang mga tao sa amin."

Continue reading below ↓

Si Angel ay humakot ng mga parangal sa mga beauty pageants na sinalihan gaya ng Queen of The Walled City at Miss Slimmer’s World.

Tulad ng sinabi ni Genesis na close to reality ang kuwento ng In Between, layunin ng kanilang BL series na pumasok sa totoong realidad sa pagsasama ng dalawang lalaking nagmamahalan na sumasalamin sa mas malalim na kahulugan ng "Love Wins."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Genesis Redido (left) on trans woman sister Maria Angela Trajano (right) experiencing discrimination: "Yung ate ko po, hindi sa pagmamayabang, maayos ang hitsura, maganda, tapos sasabihan mo nang... palaging may ganoon ang mga tao sa amin."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results