Magandang Buhay, magpapaalam na sa ere?

by Jojo Gabinete
Jul 8, 2020
Ayon sa impormasyong natanggap ng Cabinet Files, ang morning program nina (mula kaliwa) Melai Cantiveros, Jolina Magdangal, at Karla Estrada na Magandang Buhay ang susunod na kakanselahing programa ng ABS-CBN. May kinalaman ito sa hinaharap na problema sa prangkisa ng Kapamilya network.
PHOTO/S: Magandang Buhay Facebook

Ikabibigla ng supporters at loyal viewers ng Magandang Buhay ang malungkot na balitang malapit na raw magpaalam sa ere ang morning show nina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal.

Base sa impormasyong nakuha ng Cabinet Files mula sa isang ABS-CBN insider, kinansela na ang taping ng Magandang Buhay sa Lunes, July 13.

Dinesisyunan ng network management na kanselahin na ang show.
May kinalaman pa rin ito sa franchise-application problem ng ABS-CBN.

Apat na taon nang bahagi ng buhay ng Kapamilya viewers ang Magandang Buhay, lalo na ng mga misis ng tahanan.

Nag-umpisa noong April 18, 2016, ang Magandang Buhay ang naging replacement sa KrisTV, ang morning talk show ni Kris Aquino.

Pansamantalang napapanood ang Magandang Buhay sa telebisyon sa pamamagitan ng Zoom, dahil work from home ang tatlong hosts buhat nang ideklara ang enhanced community quarantine noong March 2020, at nagtagal ito hanggang May 5.

Nahinto ang airing ng Magandang Buhay dahil sa cease-and-desist order ng National Telecommunications Commission sa ABS-CBN noong May 5, 2020.

Continue reading below ↓

Muling nagbalik ang programa sa mga cable-satellite na Kapamilya Channel at Jeepney Channel noong June 15, 2020.

Kung sakali, hindi ang Magandang Buhay ang unang programa ng Kapamilya Network na naapektuhan ng problema sa franchise application ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nauna nang hindi ibinalik ang mga teleseryeng Pamilya Ko at Make It With You.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa impormasyong natanggap ng Cabinet Files, ang morning program nina (mula kaliwa) Melai Cantiveros, Jolina Magdangal, at Karla Estrada na Magandang Buhay ang susunod na kakanselahing programa ng ABS-CBN. May kinalaman ito sa hinaharap na problema sa prangkisa ng Kapamilya network.
PHOTO/S: Magandang Buhay Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results