Congressman Marcoleta, ginamit ang iconic line ni FPJ; nagpasalamat sa LizQuen

by Jojo Gabinete
Jul 9, 2020
Sa kanyang summation sa huling araw ng pagdinig ng Kongreso sa franchise renewal ng ABS-CBN, ginamit ni Congressman Rodante Marcoleta ang isang sikat na linya ng yumaong si Fernando Poe Jr. (kaliwa). Nagpasalamat din ang kongresista sa pagpapaabot ng mensahe nina LIza Soberano at Enrique Gil (kanan) sa kanila ng kanyang misis na fan ng Make It With You. Tutol si Marcoleta sa pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN.

"ABS-CBN, puno na ang salop, dapat ka nang kalusin."

Ito ang pahayag ni House Deputy Speaker Rodante Marcoleta sa pagtatapos ng kanyang summation o buod ng mga argumento tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN ngayong Huwebes, July 9.

Ginamit din ni Marcoleta sa kanyang presentation ang film clip mula sa Kapag Puno Na Ang Salop, ang 1987 blockbuster movie ni Fernando Poe Jr.

Sa pelikulang ito sinabi ni FPJ ang iconic line na "Puno na ang salop, malapit na kitang kalusin."

Ayon kay Marcoleta, "Let me end with the popular movie clip from an onscreen and offscreen hero that had captured the hearts of millions of Filipinos.

"To sum up the comprehensive, impartial, and open proceedings implored by the Speaker of the House, Alan Peter Cayetano, in regard to the franchise application of ABS-CBN.

"Ang sabi nga po ni FPJ, Mr. Chair, kung uulitin ko lang ABS-CBN, puno na ang salop dapat ka nang kalusin."

Continue reading below ↓

Nagpasalamat din ang mambabatas sa Kapamilya stars na sina Enrique Gil at Liza Soberano dahil sa pagpapaabot ng mensahe sa kanya at kanyang asawa.

Ani Marcoleta, "Naramdaman ko ang kanilang katapatan. Sana ganoon po ang ABS-CBN.

"Sa kanilang dalawa, alam ko na nauunawaan nila na ito po ay tawag lang ng tungkulin, at hinahangad ko ang higit na tagumpay para sa kanila sa mga darating na panahon."

May kinalaman ang pasasalamat ni Marcoleta sa video message nina Liza at Enrique para sa kanila ng kanyang asawa.

Ikinatuwa nina Liza at Enrique ang kuwento ni Marcoleta sa franchise hearing noong Lunes, July 6, na fan ng Make It With You ang kanyang asawa.

Ang Make It With You ang primetime series nina Enrique at Liza na hindi na ibinalik ng ABS-CBN matapos ipasara ng National Telecommunications Commission ang kanilang network.

Sabi ni Enrique, "Gusto lang po sana naming magpasalamat sa inyo ni Mrs. Marcoleta po for supporting and watching Make It With You."

Continue reading below ↓

Ayon naman kay Liza, "Yes po, cute na cute po kami ni Quen dun sa ikinuwento niyo po na journey niyo na sinasamahan ninyo lagi siya at sinusuportahan niyo po siya sa panonood ng Make It With You, and we would really love to meet you and specially Mrs. Marcoleta soon.

"And gusto lang po sana naming kumatok sa puso ninyo na baka sakaling mabigyan n’yo ng chance ang ABS-CBN."

Idinagdag naman ni Enrique ang pasasalamat nito sa mga kongresista na naniniwalang dapat pagkalooban ng franchise ang home network nila ni Liza.

"At sa lahat po ng mga congressman who think that ABS-CBN deserves a chance, maraming-maraming salamat po sa inyo,” ang sabi ni Enrique.

Pero tila imposibleng mangyari ang hiling ni Liza.

Malinaw sa mga pananalita ng Sagip Partylist representative na sarado na ang isip nito.

Si Marcoleta rin ang isa sa gumisa nang husto sa mga executives at kinatawan ng ABS-CBN sa hearing.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kanyang summation sa huling araw ng pagdinig ng Kongreso sa franchise renewal ng ABS-CBN, ginamit ni Congressman Rodante Marcoleta ang isang sikat na linya ng yumaong si Fernando Poe Jr. (kaliwa). Nagpasalamat din ang kongresista sa pagpapaabot ng mensahe nina LIza Soberano at Enrique Gil (kanan) sa kanila ng kanyang misis na fan ng Make It With You. Tutol si Marcoleta sa pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results