Through Night and Day nina Paolo Contis at Alessandra de Rossi, trending sa Netflix

by Jojo Gabinete
Jul 10, 2020
Nagsimula kahapon, July 9, ang streaming ng Through Night And Day sa Netflix. Bida sa pelikula sina Paolo Contis at Alessandra de Rossi.

Nagsimula kahapon, July 9, ang streaming ng Netflix sa Through Night and Day, ang tearjerker love story movie na pinagbidahan nina Paolo Contis at Alessandra de Rossi.

Ipinalabas ang Through Night and Day sa mga sinehan noong November 14, 2018.

PG -13 ang classification na ibinigay ng Movie and Telvision Review and Classification Board (MTRCB) sa pelikula na idinirek ni Veronica Velasco.

Pero kagaya ng Ang Pangarap Kong Holdap, hindi masyadong tinangkilik ng moviegoers ang Through Night and Day, sa kabila ng encouraging reviews at superb performances nina Paolo at Alessandra.

Hindi naman nakapagtatakang nag-trending agad ang Through Night and Day sa Netflix dahil sa mga papuri mula sa Pinoy Netflix viewers na gandang-ganda sa pelikula.

"A must watch movie." "Ang aga magpaiyak sa umaga." "Hindi nakakasawa na roller coaster of emotions at maraming realizations." Ito ang ilan sa mga reaksiyon ng Netflix viewers tungkol sa Through Night and Day.

Continue reading below ↓

Pinaniniwalaang katulad ng Ang Pangarap Kong Holdap, magiging number one din sa Tagalog movies na napapanood sa Netflix ang Through Night and Day dahil sa word of mouth na maganda ang Paolo-Alessandra starrer.

Parehong tumanggap ng acting nominations sina Paolo at Alessandra dahil sa mahusay na pagganap nila sa Through Night and Day, at nagpamalas ng kanilang versatility bilang mga drama at comedy actor.

If you need a good cry, go and watch Through Night and Day.

Postscript: Magandang senyales na trending at kasama sa Top 10 movies sa Netflix Philippines ngayon ang Ang Pangarap Kong Holdap, On Vodka, Beers and Regrets, at Pamilya Ordinaryo.

Nangangahulugan itong natutuklasan ng manonood na marami sa mga Tagalog movies ang mahusay ang pagkakagawa.

Nari-realize din nilang magagaling umarte ang mga underrated actors na hindi superstar ang kategorya sa local entertainment industry pero mas may karapatang magbida sa pelikula.

Number one ngayon na pinapanood sa Netflix Philippines ang On Vodka, Beers and Regrets nina JC Santos at Bela Padilla.

Continue reading below ↓

Hindi rin nawawala sa Top 10 list ang Ang Pangarap Kong Holdap at ang Pamilya Ordinaryo, ang indie movie na tinampukan nina Ronwaldo Martin at Hasmine Kilip noong 2016.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagsimula kahapon, July 9, ang streaming ng Through Night And Day sa Netflix. Bida sa pelikula sina Paolo Contis at Alessandra de Rossi.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results