ABS-CBN execs Carlo Katigbak at Mark Lopez, lumabas sa 24 Oras ng GMA-7

by Jojo Gabinete
Jul 10, 2020
Ang dating TV Patrol anchor na si Mel Tiangco ang nag-ulat sa 24 Oras tungkol sa pagbasura ng Kongreso sa franchise ng ABS-CBN. Napanood din sa primetime news program ng GMA-7 ang panayam sa ABS-CBN top executives na sina Carlo Katigbak at Mark Lopez.
PHOTO/S: Screen grab from GMA-7

Sa pambihirang pagkakataon at sa ngalan ng balanseng pag-uulat, napanood sa 24 Oras ng GMA-7 ang videotaped messages nina ABS-CBN President & CEO Carlo Katigbak at ABS-CBN Chairman Mark Lopez.

Ngasalita sina Katigbak at Lopez tungkol sa desisyon ng Committee on Legislative Franchises na huwag pagkalooban ng franchise ang kanilang network.

Ironically, ang former at original TV Patrol news anchor na si Mel Tiangco ang nagbalita tungkol sa pagbasura ng Committee on Legislative Franchises sa franchise application ng Kapamilya Network.


Continue reading below ↓

"Patay na sa Kamara ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN. Iyan ay matapos ibasura ito ng House Committee on Legislative Franchises.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Ibig sabihin niyan, hindi na po ito matatalakay sa plenaryo," pambungad na balita ni Mel sa primetime newscast ng GMA-7.

Nagkaroon noon ng hindi makalilimutang karanasan si Mel sa ABS-CBN.

Sa bihira ring pagkakataon, ipinakita sa 24 Oras ang live coverage ng pagtitipon at candle-lighting ceremony sa harap ng ABS-CBN building ng mga artista at empleyado ng Kapamilya network na nahihirapang tanggapin ang katotohanan.


Continue reading below ↓

"Hindi ko po alam ang sasabihin ko sa inyo, hindi ko po talaga alam. Para akong nanginginig na hindi ko alam.

"Basta…ang alam ko lang, malungkot nang malungkot ako ngayon. Mahalaga ito sa akin dahil buhay natin ito, e," ang nanginginig ang boses na pahayag ni Vice Ganda sa panayam sa kanya ni Mariz Umali at ng news reporters mula sa ibang mga TV network.

Kung tutuusin, hindi dapat maging pambihirang pagkakataon ang ganitong coverage.

News ito tungkol sa issues ng malayang pamamahayag, ng show of force and power ng gobyerno, ng monopolya ng political party, at ng role ng media bilang watchdog sa isang demokrasya.

Ngunit naging kalakaran na sa local media ang turf war, kaya't ang dalawang pinakamalaking istasyon ng bansa—ang ABS-CBN at GMA-7—madalas may pagdadamot ng coverage.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang dating TV Patrol anchor na si Mel Tiangco ang nag-ulat sa 24 Oras tungkol sa pagbasura ng Kongreso sa franchise ng ABS-CBN. Napanood din sa primetime news program ng GMA-7 ang panayam sa ABS-CBN top executives na sina Carlo Katigbak at Mark Lopez.
PHOTO/S: Screen grab from GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results