Piolo Pascual, Angel Locsin nanguna sa last-minute rally sa Kamara

by Jojo Gabinete
Jul 10, 2020
Piolo Pascual (left) shows support for ABS-CBN; Angel Locsin (right) appeals for support from fellow Filipinos: "Pero huwag po sana nating hayaan na dito na lamang matatapos ang ABS-CBN. Kailangan po natin ang isa’t-isa. Kailangan po nating magkaisa..."
PHOTO/S: @starmagicphils / @therealangellocsin Instagram

Pinangunahan nina Piolo Pascual, Angel Locsin, at Kathryn Bernardo ang pagtitipon ng mga empleyado ng ABS-CBN sa harap ng Batasan nitong Biyernes, July 10.

Bahagi ito ng kanilang last-minute effort na huwag ibasura ng Kamara ang franchise renewal application ng kanilang home network.

Hindi nagtagal ang naganap na rally dahil sa utos sa Quezon City Police na i-disperse ang mga kalahok.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Piolo sa panayam sa kanya ni Mariz Umali ng GMA News na hindi naman gumagawa ng gulo ang kanilang grupo at pinaiiral nila ang social distancing.

"Nandito lang tayo talaga para magpakita ng suporta sa ABS-CBN.

"Tumatanaw tayo ng utang na loob at humihingi tayo ng compassion sa Kongreso para mabigyan ng pagkakataong magkaroon ng buhay, hindi lang mga empleyado, pamilya po ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"We just wanna stand our ground, but siyempre hindi naman kami magko-cause ng trouble.

"We’re practicing social distancing as well.

"But we wanna fight in a good way just for them to realize na we mean well," paliwanag ni Piolo tungkol sa pagsali niya sa rally.

Continue reading below ↓

Binuwag ng kapulisan ang rally ng ABS-CBN supporters, pero ipinagpatuloy nila ito sa harap ng ABS-CBN building sa Sgt. Esguerra Avenue, Quezon City.

ANGEL REMEMBERS MARTIAL LAW DAYS

Pati si Angel ay umapela na huwag hayaang basta na lamang mawala ang Kapamilya network, na kanyang nilipatan noong 2007 matapos iwanan ang GMA-7.

"Ipinanganak ako noong panahon ng martial law, at lagi kong nakikita sa mga balita noon na 'Never again.'

"Nakikita ko, nababasa ko sa history books. Lumaki ako na nababasa ko. Ewan ko lang ngayon sa ganitong generation," ani Angel.

Nainterbyu si Angel sa live telecast ng TV Patrol, ang primetime newscast ng ABS-CBN, na ngayon ay ipinapalabas sa cable channel at social media platforms ng Kapamilya network.

Continue reading below ↓

Naghatid ng bahagyang kalituhan sa televiewers ang pahayag ni Angel tungkol sa martial law.

Isinilang siya noong April 23, 1985.

Sanggol pa lang siya nang maganap ang huling taon bago tuluyang nabuwag ang diktadurya ng yumaong President Ferndinand Marcos.

Ipinatupad ang martial law noong September 21, 1975; at ni-lift noong January 17, 1981.

Napatalsik sa puwesto si Marcos dahil sa makasaysayang People Power Revolution noong February 25, 1986.

Malamang, ang tinutukoy ni Angel ay ang exposure niya sa martial law sa pamamagitan ng kapaligiran niya—sa household, sa mga kamag-anak, sa mga kaibigan, iskuwelahan—sa mga sumunod na taong wala na ang mga Marcos sa Malacañang.

CALL FOR SUPPORT FOR ABS-CBN EMPLOYEES

Bakas sa mukha ni Angel ang pagod dahil halos maghapon na siya sa kalye para ipakita ang suporta sa ABS-CBN.

Pero nanawagan siyang sana ay makiisa ang taumbayan para maibalik ang operasyon ng ABS-CBN, alang-alang na rin sa 11,000 employees na kailangan ng trabaho.

Continue reading below ↓

"Pero huwag po sana nating hayaan na dito na lamang matatapos ang ABS-CBN. Kailangan po natin ang isa’t isa.

"Kailangan po nating magkaisa dahil hindi lang po ito laban ng mga kompanya, buhay po ng mga tao ang nakasalalay dito—mga tao na may binabayaran, mga hinuhulugan, may mga ipinapagamot, may mga tao na pinag-aaral, binubuhay na ibang pamilya. Yun lamang po."

Nagpaabot din siya ng lakas ng loob para sa mga Kapamilya na nagdurusa dahil sa pagbasura ng Kamara sa hiling na bagong prankisa ng network.

"Nagdarasal ako na sa lahat ng mga kasamahan ko sa ABS-CBN na makatulog nang maayos ngayong gabi dahil naiintindihan ko kung ano yung pinagdadaanan, siguro nararamdaman...

"Dahil kahit ako, parang hindi ko alam kung papaano ko i-explain yung sarili ko.

"Nakikiusap lang ako na magkaisa tayo. Iparamdam natin kung ano ang kayang maging gawa ng industriyang ito pag tulong-tulong pag sama-sama. Yun lamang po."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Piolo Pascual (left) shows support for ABS-CBN; Angel Locsin (right) appeals for support from fellow Filipinos: "Pero huwag po sana nating hayaan na dito na lamang matatapos ang ABS-CBN. Kailangan po natin ang isa’t-isa. Kailangan po nating magkaisa..."
PHOTO/S: @starmagicphils / @therealangellocsin Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results