Isabel Rivas, binanatan si Vivian Velez sa pagbubunyi nito sa pagbasura ng ABS-CBN franchise

by Jojo Gabinete
Jul 11, 2020
Isabel Rivas (left) to Vivian Velez (right): "Adding insult to injury ka pa dyan sa mga umiiyak na nakatrabaho mo, wala ka talagang kahihiyan...ingrata!!!"
PHOTO/S: Noel Orsal

Damang-dama ang galit ng veteran actress na si Isabel Rivas sa kanyang mensahe para sa kapwa artistang si Vivian Velez.

Tinawag ni Isabel na "walang kuwenta" at "ingrata" si Vivian.

Ito ay dahil sa pagbubunyi ni Vivian matapos hindi bigyan ng Kongreso ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

Sa kanyang Facebook ay sunud-sunod ang pagpu-post ni Vivian ng pasasalamat sa Kongreso at sa "magnificent 70" na bumoto laban sa pagbigay ng prangkisa sa broadcast giant.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Continue reading below ↓

Bukod dito, pinuri rin ni Vivian si Sagip Party-List at Deputy Speaker Rodante Marcoleta.

Ang mambabatas ang isa sa mga nanguna sa paggisa sa ABS-CBN executives nang dinggin ng Committee on Legislative Franchises ang franchise renewal application ng Kapamilya Network.

Tinawag pa ni Vivian na "bagong crush ng bayan" si Marcoleta.

Continue reading below ↓

Si Vivian, na kasalukuyang director general ng Film Academy of the Philippines (FAP), ay isang masugid na tagasuporta at tagapagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa kanyang posts, malinaw na mas nangingibabaw ang suporta ni Vivian sa pamahalaan kesa sa pagmamahal niya sa industriyang naging dahilan para siya makilala.

ISABEL TO VIVIAN: WALANG KWENTANG TAO...

Ang mga social media posts ni Vivian ang naging mitsa upang pagsalitaan siya ni Isabel.

Parang pamintang dinurog ni Isabel si Vivian sa kanyang Facebook rant ngayong Sabado ng hapon, July 11.

"Walang kwentang tao" raw si Vivian dahil ikinatuwa nito ang malungkot na nangyari sa ABS-CBN, lalo pa't bahagi rin naman siya ng entertainment industry.

Nanggagalaiting sabi ni Isabel: "Walang kwentang tao talaga ito, sexy ka lang nung araw pero no brains ka talaga...

"nanaba na lang sana utak mo ng may natira ka pang industria na rerespeto sa'yo...

"Adding insult to injury ka pa dyan sa mga umiiyak na nakatrabaho mo, wala ka talagang kahihiyan...ingrata!!!"

Continue reading below ↓

Sa kanyang sumunod na pahayag ay nagpahiwatig si Isabel na may malaki at malalim na alitan sila ni Vivian.

"45- years kitang kilala, akala ko ako lang aapihin mo, hindi mo pala alam talaga salitang kaibigan noh!!!"

Ayon pa kay Isabel, lumabas kung anong klaseng tao si Vivian dahil sa kawalan nito ng malasakit.

"True character on display here Vivian Velez...empathy man lang sana natutunan mo!!"

Continue reading below ↓

UPDATED: VIVIAN'S "BLIND ITEM"

Pagkatapos lumabas ng reaksiyon ni Isabel dito sa PEP.ph, isang "blind item" ang ipinost ni Vivian sa Facebook.

Tungkol ito sa isang "ingiterang actress friend" na "putak ng putak at minumura" siya dahil sa pagiging DDS.

Malinaw na ito ang buwelta ni Vivian sa pasaring sa kanya ni Isabel.

Continue reading below ↓

Nagsimula sa showbiz si Vivian noong mid-'70s, habang si Isabel ay pumasok sa showbiz noong 1980.

Una silang nakilala bilang sexy stars, at madalas maging leading ladies ng action stars noong kanilang kapanuhanan.

Pareho silang gumawa ng mga teleserye sa ABS-CBN.

Si Vivian ay napanood sa Tubig At Langis (2016), ngunit nag-resign siya dahil sa away nila ng lead star na si Cristine Reyes.

Si Isabel naman ay nakasama sa cast ng Los Bastardos (2018-2019).

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isabel Rivas (left) to Vivian Velez (right): "Adding insult to injury ka pa dyan sa mga umiiyak na nakatrabaho mo, wala ka talagang kahihiyan...ingrata!!!"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results