Saksi ng GMA-7, nagbigay-pugay sa ABS-CBN

Sa pagtatapos ng GMA-7 late-night news program na Saksi kagabi, July 10, ipinakita sa backdrop ng anchors na sina Pia Arcangel at Raffy Tima ang video clip ng tower ng ABS-CBN na nababalutan ng kadiliman at sinundan ng logo ng Kapamilya Network.
PHOTO/S: Screen grab from GMA-7

"Salamat Saksi."

Ito ang tweet ni GMA News reporter at anchor Raffy Tima kagabi, July 10.

Pero may mas malalim na dahilan ang kanyang pasasalamat sa July 10 episode ng late-night news program ng GMA-7.

Si Raffy ang co-anchor ni Pia Arcangel sa Saksi kagabi dahil wala si Arnold Clavio, na pansamantalang pumalit kay Mike Enriquez sa 24 Oras.

Continue reading below ↓

Hindi nakaligtas sa matalas na paningin at pakiramdam ng Saksi viewers ang malakas na impact ng closing spiel nina Pia at Raffy.

Mensahe nila: "Para sa malayang Pilipino, kaisa kami ng lahat sa pagiging Saksi."

Makikita sa backdrop ang video clip ng tower ng ABS-CBN—nababalutan ng kadiliman at sinundan ng logo ng Kapamilya Network.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Continue reading below ↓

Kahapon ay pinagkaitan ang ABS-CBN ng bagong franchise ng Committee on Legislative Franchises ng Lower House.

Marami ang kinilabutan at napaluha sa tahimik na pagwawakas ng Saksi dahil sa banayad ngunit malinaw na pakikisimpatiya ng GMA Network sa naging kapalaran ng ABS-CBN.

Sa matagal na panahon, "Sama-sama tayong naging saksi" ang closing spiel ng mga news anchor ng Saksi.

Pero kagabi ito ang mga salitang binitiwan nina Pia at Raffy: "Para sa malayang Pilipino, kaisa kami ng lahat sa pagiging saksi."


Continue reading below ↓

Patungkol ito sa malungkot at nakakagalit na nangyari sa Kapamilya Network.

Sunod nito, pasasalamat at papuri sa Saksi at sa GMA-7 ang ibinigay ng mga supporters ng ABS-CBN dahil sa nakakaantig na eksenang nasaksihan nila.

Isa si Raffy sa mga news reporters/anchors ng Kapuso network na lantarang nagpakita ng suporta sa ABS-CBN noong dinidinig ang franchise renewal application ng Kapamilya network sa Kamara.

At sa kanyang social media post, ito ang naging mensahe ni Raffy: "Respeto at suporta sa aking mga kapwa mamamahayag. Nawa’y patuloy namin kayong makasama sa pagbabalita."

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pagtatapos ng GMA-7 late-night news program na Saksi kagabi, July 10, ipinakita sa backdrop ng anchors na sina Pia Arcangel at Raffy Tima ang video clip ng tower ng ABS-CBN na nababalutan ng kadiliman at sinundan ng logo ng Kapamilya Network.
PHOTO/S: Screen grab from GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results