Petsang July 10, two deaths ang gugunitain ng Pinoy viewers

by Jojo Gabinete
Jul 13, 2020
July 10, 2012 nang bawian ng buhay si Dolphy. Same day sa 2020, isa pang historical death ang nangyari. Pinatay ng 70 kongresista ang ABS-CBN.
PHOTO/S: File / Jerome Ascano

Hindi makakalimutan nina Zsa Zsa Padilla at Eric Quizon ang petsang July 10 dahil ito ang kamatayan ng King of Comedy na si Dolphy.

Ito rin ang kamatayan ng franchise renewal ng ABS-CBN.

"It has been 8 years since he joined our creator, but there is not a single day that he never crossed my mind. Today, July 10, 2020 marks a sad day for our Kapamilya,” ang Instagram post noong Biyernes ni Eric na nilagyan niya ng hashtag #Kapamilya Forever.

Ang bahagi naman ng pag-alaala ni Zsa Zsa sa kanyang pumanaw na long-time companion, "Please say a little prayer for him. I miss him everyday and I know that he is always with me in spirit."

Binawian ng buhay si Dolphy sa edad na 83 sa Makati Medical Center noong July 10, 2012, dahil sa multiple organ failure dulot ng komplikasyon ng pneumonia, chronic obstructive pulmonary disease, at acute renal failure.

Continue reading below ↓

Tuluyan namang nilukuban ng kadiliman ang paligid ng white and orange Millennium Transmitter ng ABS-CBN noong Biyernes, July 10, dahil sa desisyon ng Kamara na huwag nang bigyan ng bagong prangkisa ang Kapamilya Network.

HOT STORIES

Malaking bahagi ng buhay at career ni Dolphy ang ABS-CBN dahil ito ang naging pangalawang tahanan niya nang bigyan siya ni ABS-CBN Chairman Eugenio Lopez Sr. ng sariling programa, ang Buhay Artista, na nagsimula noong 1964. Nahinto lang ito nung 1972 nang magdeklara ng martial law si President Ferdinand Marcos.

Namayagpag din sa ABS-CBN mula December 1992 hanggang August 2003 ang sitcom ni Dolphy na Home Along Da Riles.

Bilang pagkilala sa kontribusyon ni Dolphy sa ABS-CBN at sa Philippine entertainment industry, ipinangalan sa kanya ang isa sa mga pinakamatandang studio ng Kapamilya Network nang magdiwang siya ng 80th birthday .

Kilala na ngayon bilang Dolphy Theater, ginaganap dito ang mga presscon, awards nights, at mga special events ng Kapamilya network.

Continue reading below ↓

Kasabay ng pagdidilim ng paligid ng Millennium Transmitter noong Biyernes ang paglamlam ng mga ilaw sa Dolphy Theater na walang katiyakan kung kailan muling mabubuksan at mapakikinabangan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
July 10, 2012 nang bawian ng buhay si Dolphy. Same day sa 2020, isa pang historical death ang nangyari. Pinatay ng 70 kongresista ang ABS-CBN.
PHOTO/S: File / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results