Vice Ganda, nagpatutsada sa 70 congressmen na bumoto ng "Yes" para patayin ang apela ng ABS-CBN para prangkisa  

by Jojo Gabinete
Jul 13, 2020
Vice Ganda: "Mabuhay ang labing-isang mambabatas! Habambuhay namin kayong ipagdiriwang! Dun sa seventy, ituloy-tuloy natin ang palabas."
PHOTO/S: Screen grab from Kapamilya Channel

“Gusto lang ho naming linawin sa mga manonood natin, lahat po ng pumasok dito na galing sa iba’t ibang barangay at galing sa distrito ay tsinek namin kung ang kanilang mga congressmen ay pasok dun sa Top 11 na kaibigan namin.

"Charot lang!

"Mabuhay ang labing-isang mambabatas! Habambuhay namin kayong ipagdiriwang!

"Dun sa seventy, ituloy-tuloy natin ang palabas."

Ito ang nakangiti at masayang sigaw ni Vice Ganda sa opening number ng It’s Showtime sa Kapamilya Channel ngayong Lunes ng tanghali, July 13.

Klaro sa manonood ng noontime show na pasasalamat ito sa labing-isang kongresistang bumoto ng “No” noong Biyernes, July 13, upang sana'y mabigyan muli ng prangkisa ang ABS-CBN.

Natalo ang 11.

At patutsada naman ito ni Vice sa pitumpong (70) miyembro ng House of Representatives na “Yes” ang boto, kaya tuluyan nang hindi nabigyan ng prangkisa ang Kapamilya network.

Nagwagi ang 70.

Noong Sabado, July 11, nasilayan ng manonood ang isang malungkot na Vice Ganda na nag-walk out sa opening number ng It’s Showtime dahil masakit sa dibdib nito ang naging desisyon ng Committee on Legislative Franchises.

Continue reading below ↓

Ipinaliwanag ni Vice na kailangan niyang mag-exit sa stage ng It’s Showtime dahil hindi niya makayanang dayain ang sarili.

Naging mabuti na lamang ang kanyang pakiramdam matapos humagulgol sa backstage.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ngayong tanghali, ibang Vice Ganda ang napanood ng televiewers. Masigla at palaban na siya, kaya nagawa niyang magpatutsada sa mga miyembro ng Kamara na nagkaisang pagkaitan ng franchise ang ABS-CBN.

Dahil sa 70, wala na ang ABS-CBN sa free TV.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda: "Mabuhay ang labing-isang mambabatas! Habambuhay namin kayong ipagdiriwang! Dun sa seventy, ituloy-tuloy natin ang palabas."
PHOTO/S: Screen grab from Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results