Bela Padilla unnerved, files complaint against her stalker-fan

by Jojo Gabinete
Jul 13, 2020
Sa kanyang complaint affidavit, isinalaysay ni Bela Padilla ang pagsunod sa kanya ng isang lalaki noong July 9 sa parking lot ng condominium building na tinitirhan niya sa siyudad ng Mandaluyong.
PHOTO/S: Noel Orsal

Nagsadya si Bela Padilla sa Fiscal’s Office ng Mandaluyong City nitong Lunes ng umaga, July 13.

Ito ay para magsampa ng reklamong unjust vexation laban sa kanyang stalker-fan, isang 33-anyos na lalaki na taga-Parañaque City.

Bago nagsampa ng reklamo, ipina-blotter muna ni Bela ang insidente sa Mandaluyong Police Station noong Biyernes, July 10, 2020.

Dito ay isinalaysay ni Bela ang pagsunod sa kanya ng lalaki sa parking lot ng condominium building na tinitirhan niya sa Mandaluyong City noong July 9, Huwebes.

Lahad ng aktres sa complaint affidavit na ibinigay niya kay PCpl Bryan Tantengco, ang imbestigador na may hawak sa kaso:

"Kararating ko lang sa bahay. Habang naghahapunan ako at nasa loob ako ng kwarto ko ay pina-park ko na sa aking driver ang aking kotse.

"Maya-maya ay tinawagan ako ng driver, at para pauwiin na siya kaya umakyat na siya para iabot na sa akin ang susi ng kotse.

Continue reading below ↓

"Pagkaabot sa susi, wala pang limang minuto ay tumawag sa amin yung guard para sabihin na may aakyat daw na bisita para surpresahin ako kaya tinanong ko kung sino siya."

Kaklase raw niya sa Davao ang pakilala ng bisita. Pero hindi raw tumira o nag-aral si Bela sa Davao.

Pagpapatuloy na salaysay ng aktres, "So sinabihan ko na yung guard na huwag muna paalisin at kunan ng picture yung ID niya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Ipinakausap ako ng guard sa kanilang chief security guard dahil nagpupumilit na itong gustong umakyat at tinatanong na sa akin kung papapasukin ko daw.

"Kaya nag-request na ako na tumawag ng barangay dahil hindi ko kilala ang lalaki at natakot na ako kaya tumawag na sila sa Barangay Wack Wack."

Nang dumating daw ang mga taga-barangay ay pinababa ni Bela ang kaibigan at kapitbahay niyang lalaki upang ito ang bumaba at makipag-usap. Natatakot na raw kasi siya.

Lahad pa ni Bela, "Nakita ng kapitbahay ko na may dalawa pang lalaki sa loob ng kanyang sasakyan.

Continue reading below ↓

"Siguro mga sampung minuto ang nakalipas ay tumawag yung asawa ng kapitbahay ko para sabihing umakyat muna ako sa unit nila dahil ayaw umalis nung lalaki at para may kasama ako."

Patuloy pa rin daw nagpupumilit at gustong umakyat ng lalaki sa unit ni Bela.

"Maya-maya ay umakyat na rin ang kapitbahay ko ngunit hindi pa rin umaalis yung lalaki na may dalawa pang kasama na nasa loob lang ng sasakyan.

"Mga ilang sandali pa ay tumawag na yung guard sa akin at napaalis na rin nila ‘yung lalaki."

Pagkatapos daw nito ay tumawag ang hairstylist ni Bela upang sabihing may nag-message sa kanyang lalaki.

Tinanong ng aktres kung sino iyon, at nag-match ito sa ID ng lalaking gustong pumasok sa unit ni Bela.

"Nagpalitan sila ng message ng aking hairstylist at sinasabi niyang gusto niya raw ako makita at mahal na mahal niya raw ako."

Sinabihan daw si Bela ng kanyang kapitbahay na pumunta na sa police station para ireklamo ang pangyayari.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Read More Stories About
Bela Padilla, hardcore fans
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kanyang complaint affidavit, isinalaysay ni Bela Padilla ang pagsunod sa kanya ng isang lalaki noong July 9 sa parking lot ng condominium building na tinitirhan niya sa siyudad ng Mandaluyong.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results