Alagang American bully ni Coco Martin, guest star sa Ang Probinsyano

by Jojo Gabinete
Jul 14, 2020
Alagang American bully (right) ni Coco Martin, may special participation sa FPJ's Ang Probisyano! (Left) Coco and leading lady Yassi Pressman.
PHOTO/S: @cocomartin_ph Instagram

Tuluy-tuloy ang pag-ere ng bagong episodes sa ABS-CBN prime-time series na FPJ's Ang Probinsyano.

Kasabay nito ay iwinasto ang billing ng pangalan ni Richard Gutierrez sa action-drama series na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Mula sa mababasang "Richard G." sa opening credits, binuo nang inilagay ang family name ng aktor na special guest ngayon sa serye.

Continue reading below ↓

Hindi lamang si Richard ang may special participation sa Ang Probinsyano.

May mga eksena rin si Escobar, ang newly-acquired American bully na pet dog ni Coco.

Kinagigiliwan ng televiewers si Escobar sa mga eksena nito sa Ang Probinsyano.

Ayon sa isang dog lover, ang aso ni Coco ay posibleng milyon ang halaga at kilala na rin tulad ng kanyang amo.

Pati mga artista sa serye ay naaaliw kay Escobar in between takes sa set.

Continue reading below ↓

Narito ang isa pang behind-the-scene video sa taping ng FPJ's Ang Probinsyano:

LOVE THY WOMAN

Bagong episodes na rin ang napapanood sa Love Thy Woman, kaya pinalitan na ang paunawa na makikita sa umpisa ng afternoon drama series na pinagbibidahan ni Kim Chiu.

Continue reading below ↓

Noong unang ipalabas ang fresh episodes ng serye, ito ang paunawa: "Ang mga susunod na eksena, programa o palabas ay nakunan at nabuo bago pa man naideklara at naipatupad ang Community Quarantine."

Pinalitan na ang paunawa nang magbalik-taping ang produksyon ng Love Thy Woman.

Sabi rito: "Ang mga artista, crew at lahat ng nakasama sa paggawa ng programang ito ay sumailalim sa quarantine ng labing-apat na araw at sumusunod din sa lahat ng alituntunin upang ingatan ang kalusugan nila laban sa COVID-19."

Ang mga programa ng ABS-CBN ay patuloy na mapapanood sa Kapamilya Channel o sa cable channels na affiliated sa network at TFC Channel abroad.

Sa digital platform, mapapanood sila sa iWant at sa TFC Online.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alagang American bully (right) ni Coco Martin, may special participation sa FPJ's Ang Probisyano! (Left) Coco and leading lady Yassi Pressman.
PHOTO/S: @cocomartin_ph Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results