ABS-CBN employees, inihahanda na ang sarili sa announcement ng pamunuan

by Jojo Gabinete
Jul 15, 2020
Magdaraos ngayong hapon, July 15, ng town hall meeting ang ABS-CBN na dadaluhan ng executives at employees ng network. Dito ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga empleyado ng ABS-CBN na makapagtanong sa pamunuan tungkol sa mga isyung nangangailangan ng kasagutan at magiging basehan ng kanilang mga susunod na hakbang.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Magaganap sa ABS-CBN compound ngayong Miyerkules ng hapon, July 15, ang town hall meeting na dadaluhan ng mga executives at mga manggagawa ng Kapamilya Network.

Inihahanda na ng mga empleyado ang kanilang sarili na ang pinangangambahan nilang retrenchment ang isa sa mga agenda ng meeting na pangungunahan ni ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak.

Nagbitaw ng salita si Katigbak sa franchise hearing sa Senado noong May 19, 2020 tungkol sa nakaambang retrenchment ng mga empleyado kapag hindi nakabalik sa ere ang ABS-CBN.

Pahayag niya: "We continue to lose a substantial amount of money every month and I'm afraid that if we cannot get back on air soon, by August, we may already have to consider beginning a retrenchment process.”

Noong Biyernes, July 10, hindi ibinigay ng Committee on Legislative Franchises ang hinihiling na franchise ng ABS-CBN.

Labis itong ikinalungkot ng ABS-CBN employees na mawawalan ng trabaho sa panahong kailangan nila ng mapagkakakitaan dahil sa malaking dagok na hatid ng coronavirus pandemic.

Continue reading below ↓

Sa town hall meeting na idaraos ngayong hapon, mabibigyan ng pagkakataon ang mga empleyado ng ABS-CBN makapagtanong sa pamunuan tungkol sa mga isyung nangangailangan ng kasagutan at magiging basehan ng kanilang mga susunod na hakbang bilang paghahanda sa kinabukasang walang katiyakan.

Hindi lamang ang mga manggagawa ng ABS-CBN ang pinanghihinaan ng loob.

Ito rin ang nararamdaman ng ibang mga contract stars ng Kapamilya Network, gaya ni Regine Velasquez.

Kagabi, July 14, nag-tweet ang Asia's Songbird ng ganitong mensahe:

“Habang tumatagal aaminin ko napanghihinaan na ako ng loob. Hindi ko alam kung may trabaho pa kaming lahat.

"Ang nakakalungkot parang ikinatuwa pa ng mga taong dapat ay nagtatangol sa ating karapatan.

"Bakit ganito??? Sana panaginip lang lahat ng ito."

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magdaraos ngayong hapon, July 15, ng town hall meeting ang ABS-CBN na dadaluhan ng executives at employees ng network. Dito ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga empleyado ng ABS-CBN na makapagtanong sa pamunuan tungkol sa mga isyung nangangailangan ng kasagutan at magiging basehan ng kanilang mga susunod na hakbang.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results