Ces Drilon, Karen Davila, Lynda Jumilla naghayag ng saloobin tungkol sa malawakang retrenchment sa ABS-CBN

by Jojo Gabinete
Jul 16, 2020
Idinaan sa social media ng ABS-CBN News and Current Affairs personalities na sina (mula kaliwa) Ces Drilon, Karen Davila, at Lynda Jumilla ang kanilang saloobin sa malawakang pagbabawas ng mga empleyado ng network. Ito ay matapos tuluyang ibasura ng Kongreso ang franchise application ng ABS-CBN.
PHOTO/S: Facebook / Twitter

Naghayag ng saloobin ang ilang kababaihan ng News and Current Affairs department ng ABS-CBN tungkol sa malawakang pagbabawas ng mga empleyado ng network simula Agosto 31.

Kahapon, Hulyo 15, inanunsiyo ng ABS-CBN management sa kanilang mga empleyado ang malungkot na balita.

Ito ay matapos pagkaitan ng franchise ng pitumpong miyembro ng House of Representatives ang kanilang kompanya.

Halata sa mga tweet ni ANC executive editor Ces Oreña-Drilon ang nagpupuyos na damdamin para sa mga kasamahang mawawalan ng trabaho.

Hindi napigil ni Ces ang sariling magkumpara ng nangyayari ngayon sa ABS-CBN sa malakas na lindol na yumanig sa Central Luzon noong July 16, 1990, na nagdulot ng malaking perwisyo at kumitil ng mga buhay.

"Did you know that today is the anniversary of the 1990 earthquake? Ngayon isang man-made na pagyanig ang nararanasan natin.

"At iisa ang responsable. Ang taong nakaluklok sa Malacañang," hindi naghunos-diling pahayag ni Ces.

Continue reading below ↓

Mabigat ang kalooban ng veteran broadcaster dahil nasa kanya ang responsibilidad na magsabi sa mga kasamahan na mawawalan na sila ng trabaho.

Ani Ces, "This was one of the toughest days I had to face. Telling fellow Kapamilyas that they would lose their jobs by end of August. I lost mine too."

Continue reading below ↓

KAREN DAVILA

Ramdam ni Karen Davila ang sama ng loob ni Ces, na nakasama niya noon sa Bandila, ang late-night newscast ng ABS-CBN.

“This is heartbreaking,” ang reaksiyon ni Karen sa tweet ni Ces.

“It’s been an honor to be alongside you in Bandila. You are an ABS-CBN news icon and inspiration.

"I am preparing my heart as well for the worst and will stand by ABS-CBN til the end," pangakong binitiwan ni Karen.

Kasama ang Bandila sa mga programa ng Current Affairs department ng ABS-CBN na ipinatigil na ang production.

Ang iba pang ipinatigil ay ang Rated K, S.O.C.O., Umagang Kay Ganda, Kuha Mo!, Matanglawin, Mission Possible, at Failon Ngayon.

LYNDA JUMILLA

Iba naman ang paraan ng protestang ipinakita ni ABS-CBN news reporter Lynda Jumilla.

Nagdeklara siya ng boycott laban sa supermarket na pag-aari ng pamilya ng isang house representative na bumoto ng “Yes” para hindi mabigyan ng bagong franchise ang Kapamilya Network.

Continue reading below ↓

Mensahe niya sa Twitter, “So today I decided to look for another supermarket to patronize, no matter if somehat inconvenient.

"Because I can’t keep supporting the business of a family that voted to keep ABS-CBN out of business.

"Not ALL that matters is politics."

Ang clue na ibinigay ni Lynda sa tinutukoy niyang pamilya ay ang upper case ng salitang "All" kaya nalaman ng publiko ang supermarket na kanyang tinutukoy.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Idinaan sa social media ng ABS-CBN News and Current Affairs personalities na sina (mula kaliwa) Ces Drilon, Karen Davila, at Lynda Jumilla ang kanilang saloobin sa malawakang pagbabawas ng mga empleyado ng network. Ito ay matapos tuluyang ibasura ng Kongreso ang franchise application ng ABS-CBN.
PHOTO/S: Facebook / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results