Watch Now

Empoy Marquez, latest Kapamilya star na maggi-guest sa Eat Bulaga

by Jojo Gabinete
Jul 17, 2020
Ang Kapamilya comedian na si Empoy Marquez ang maglalaro ngayong Huwebes, July 17, sa "Bawal Judgmental" segment ng Kapuso noontime show na Eat Bulaga.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Ang Kapamilya actor na si Empoy Marquez ang celebrity player sa July 17 (Friday) episode ng "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga.

Ang guesting ni Empoy ang basehan ng magiging reaksiyon at paghuhusga ng publiko tungkol sa desisyon niyang lumabas sa rival network ng kanyang mother studio, ang ABS-CBN.

Nagsimula ang showbiz career ni Empoy nang manalo siya sa "Mr. Suave" contest ng dating noontime show ng ABS-CBN na Magandang Tanghali Bayan noong 2003.

Dahil dito, nabigyan siya ng pagkakataong lumabas sa pelikula ni Vhong Navarro na may kaparehong pamagat.

Ang Magandang Tanghali Bayan ang katapat na noontime variety show ng Eat Bulaga!, mula November 1998 hanggang February 2005.

Isang taong naging mainstay si Empoy ng Magandang Tanghali Bayan Ang Saya-Saya (2004-2005) bago ito pinalitan ng Wowowee ni Willie Revillame.

"News" para sa marami ang paglabas ngayon ni Empoy sa Eat Bulaga! dahil sa asosasyon niya sa ABS-CBN.

Isa si Empoy sa mga Kapamilya stars na nanawagang bigyan ng bagong franchise ng Kamara ang kanilang home studio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagdiwang si Empoy ng 39th birthday noong July 9, isang araw bago pagkaitan ng franchise ng Committee on Legislative Franchises ang ABS-CBN.

Nagluluksa ngayon ang mga artista at empeyado ng Kapamilya network dahil, kasunod ng di pagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN, magsasara na ang ilang kumpanya ng broadcast giant at magkakaroon din ng malawakang pagbabawas ng mga manggagawa.

Sa Ang Probinsyano ang recent guesting ni Empoy sa Kapamilya Network, at ang Since I Found You (2018) ang huling primetime series na pinagbidahan niya.

Bukod kay Empoy, ang iba pang Kapamilya stars na naglaro sa "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga! ay sina Pokwang, Louise delos Reyes, Kim Molina, Meg Imperial, at Richard Yap.

Ang Eat Bulaga! ay produced ng TAPE Inc., na blocktimer sa GMA-7.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Kapamilya comedian na si Empoy Marquez ang maglalaro ngayong Huwebes, July 17, sa "Bawal Judgmental" segment ng Kapuso noontime show na Eat Bulaga.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results