Amazing Earth, Pepito Manaloto, iba pang weekly programs ng GMA-7 magsisimula nang mag-taping ulit

by Jojo Gabinete
Jul 17, 2020
Malapit nang mapanood muli ang fresh episodes ng Kapuso weekly programs na Amazing Earth ni Dingdong Dantes (kaliwa), Pepito Manaloto ni Michael V (gitna), at Dear Uge ni Eugene Domingo (kanan).
PHOTO/S: Instagram

Magsusunod-sunod na ang taping ng weekly programs ng GMA-7.

Matagal nahinto ang mga programang ito buhat nang magdeklara si President Rodrigo Duterte ng Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon noong March 15, 2020.

Nauna nang magbalik-taping si Dingdong Dantes noong July 14 para sa kanyang Sunday show, ang Amazing Earth.

Mapapanood ang mga bagong episodes nito simula sa July 26, 2020.

"Ayos naman at smooth ang shoot namin. Bagong stories ulit," sabi ni Rico Gutierrez, ang direktor ng Amazing Earth, tungkol sa taping nila na nangyari sa rooftop ng GMA Network building.

“Strict lahat at may social distancing. Ang saya rin ng staff at crew dahil five months kaming hindi nagkita-kita.”

Continue reading below ↓

Meanwhile, sigurado na ang taping sa July 28 ng I-Bilib, ang informative show ni Chris Tiu, kasama ang Moymoy Palaboy.

Malapit na ring magkaroon ng reunion sina Tekla, Boobay, at ang production staff ng The Boobay and Tekla Show.

Kung hindi magbabago ang schedule, sa August 11 ang pag-resume ng taping ng kanilang Saturday night comedy talk show.

Pinaghahandaan naman ng mga artista at production crew ng Pepito Manaloto ang August 11—ang target taping day nila.

Ang Pepito Manaloto ang toprating Saturday night situational comedy series na pinagbibidahan ni Michael V.

Lastly, sasailalim sa self-quarantine si Eugene Domingo at ang mga kasamahan niya sa Dear Uge.

Pinaplano na ang pagsisimula ng taping ng kanyang award-winning Sunday afternoon comedy anthology sa Kapuso Network.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malapit nang mapanood muli ang fresh episodes ng Kapuso weekly programs na Amazing Earth ni Dingdong Dantes (kaliwa), Pepito Manaloto ni Michael V (gitna), at Dear Uge ni Eugene Domingo (kanan).
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results