After 12 years, balik-GMA-7 si Cristine Reyes

by Jojo Gabinete
Jul 18, 2020
Balik-GMA-7 si Cristine Reyes bilang celebrity judge sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga.
PHOTO/S: @cristinereyes on Instagram

Makalipas ang labindalawang taon, muling mapapanood si Cristine Reyes sa GMA-7 dahil siya ang celebrity judge ngayong tanghali sa "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga.

Nagsimula ang showbiz career ni Cristine nang sumali siya noong 2003 sa Season 1 ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA-7.

Cristine Reyes in Bawal Judgmental

Nang pumirma si Cristine ng exclusive contract sa Viva Artists Agency noong 2008, lumipat siya sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Dito namayagpag nang husto ang takbo ng kanyang acting career sa telebisyon at sa pelikula.

Kabilang si Cristine sa exclusive contract stars ng Viva Artists Agency na dating napapanood sa mga programa ng Kapamilya Network na lalabas sa popular game segment ng Eat Bulaga dahil nauna nang naglaro sina Meg Imperial at Louise delos Reyes.

Noong Kapuso actress pa si Cristine, madalas ang mga guesting niya sa Eat Bulaga kaya maituturing na “homecoming” ang kaabang-abang na paglabas niya sa "Bawal Judgmental."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Balik-GMA-7 si Cristine Reyes bilang celebrity judge sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga.
PHOTO/S: @cristinereyes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results