Kakai Bautista, Aicelle Santos, Gab Pangilinan tampok sa online musical na Tatsulok

by Jojo Gabinete
Jul 18, 2020
Kakai Bautista, Aicelle Santos, at Gab Pangilinan ay ilan lamang sa talented Filipino theater actors na nagsanib-puwersa para sa musical ng Gabay Kalikasan, ang "Tatsulok: A Trilogy For Change."
PHOTO/S: @ilovekaye / @aicellesantos / @gabpangilinan Instagram

Makapanindig-balahibo ang madamdaming pag-awit ng "Lupang Hinirang" ng mga talented Filipino singers na tampok sa Tatsulok: A Trilogy For Change.

Ito ang musical event na handog ng Gabay Kalikasan, na napapanood sa Facebook page at Youtube Channel nito simula noong July 11 hanggang August 11, 2020.

Concept at script ni Floy Quintos ang Tatsulok, at musical director/ arranger nito sina Krina Cayabyab at Myke Solomon.

Si Dexter Santos ang direktor ng Tatsulok, na tinatampukan ng 17 mahuhusay na mang-aawit at stage personalities.

Kabilang dito sina Jon Santos, Menchu Lauchengco, Kakai Bautista, Sheila Francisco, Gian Magdangal, Aicelle Santos, OJ Mariano, at Jamie Wilson.

Gayundin sina Via Antonio, Poppert Bernadas, Joshua Bulot, Anna Luna, Phi Palmos, Gab Pangilinan, Bibo Reyes, Giob Rodriguez, at Nicco Manalo.


Continue reading below ↓

LOVE FOR GOD AND COUNTRY

Joint project ng PLDT Home at ng Gabay Kalikasan ang Tatsulok, na isinusulong ang pagmamahal sa Diyos, bayan at kalikasan, base na rin sa tagline na "Kalikasan, Bayan, Dios. Sabay Mahalin. Di pwedeng paghiwalayin."

Mapapanood at mapapakinggan sa Tatsulok ang mga classic OPM song gaya ng "Anak," "Nais Ko," at "Himig Natin."

Binuo ang Tatsulok sa panahon ng enhanced community quarantine, kaya magkakahiwalay ang mga eksena at song number ng featured performers.

Sa gitna ng matinding banta ng COVID-19 pandemic, patuloy ang Gabay Kalikasan sa pagbabantay at pangangalaga sa kapaligiran.

Continue reading below ↓

FIGHT CLIMATE CHANGE

Kaisa ng Gabay Kalikasan sina Martin del Rosario, Dom Roque, JC Santos, at Gladys Reyes sa panawagan na labanan ang climate change, kahit may pandemya.

Ilan sa mga paraan ay ang pagbubura ng old files sa Internet at pagtangkilik sa paperless billing system.

"Nais nating lahat ng daigdig na malaya sa panganib na dala ng climate change. Ang mundong ‘yan ay hindi makakamit kung hindi kayo makikiisa," panawagan ni Martin.

Apela ni JC, "Change now before it’s too late."

Ipinaliwanag naman ni Dom na nag-umpisa ang Tatsulok sa pagmamahal sa kalikasan at sa bayan kaya hinihimok niya ang mga Pilipino na magsama-sama sa misyong ito.

Mensahe naman ni Gladys, "Ihanda ang sarili, sumali sa Gabay Kalikasan at humanda na baguhin ang mundo dahil nagbago tayo."

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kakai Bautista, Aicelle Santos, at Gab Pangilinan ay ilan lamang sa talented Filipino theater actors na nagsanib-puwersa para sa musical ng Gabay Kalikasan, ang "Tatsulok: A Trilogy For Change."
PHOTO/S: @ilovekaye / @aicellesantos / @gabpangilinan Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results