Vice Ganda maglo-launch ng sariling network!

by Jojo Gabinete
Jul 18, 2020
Napatunayan ni Vice Ganda na may katotohanan ang kasabihang “When God closes a door, He opens a window,” dahil sa mga bagong oportunidad na dumarating sa kanya.
PHOTO/S: Screen grab from Kapamilya Channel

Oprah Winfrey ang peg ni Vice Ganda!

Dahil kung nagbukas si Oprah ng Oprah Winfrey Network noong January 1, 2011, ilulunsad naman ni Vice ang kanyang sariling network sa July 24.

Ang Vice Ganda Network.

Parang Philippine counterpart na tuloy si Vice ng popular at wealthy American television personality na si Oprah!


Continue reading below ↓

Exclusive na mapapanood sa Vice Ganda Network website (www.viceganda.com.ph) ang mga sumusunod: Ang latest online hit show ni Vice, ang Gabing-Gabi Na Vice; ang mga pinakabagong balita tungkol sa kanya; ang fun Vice Games; mga Vice beauty tips; at ang araw-araw na giveaways na ipamamahagi niya.

Tiyempo ang pagbubukas ng Vice Ganda Network sa darating na Biyernes, July 24.

Dahil mapapanood pa rin si Vice ng kanyang milyun-milyong followers sa social media, kahit tuluyan nang nagsara ang ABS-CBN.

Ito'y bunsod nang hindi na pinagkalooban ng bagong prangkisa ang ABS-CBN ng Congressional Committee on Legislative Franchises nung July 10.

Napatunayan ni Vice na may katotohanan ang kasabihan na “When God closes a door, He opens a window,” dahil sa mga bagong oportunidad na dumarating sa kanya.

Hindi natuloy noong March 15 ang pilot telecast ng bagong show ni Vice Ganda, ang Everybody Sing.

Nagpa-panic na ang mundo noon sa coronavirus-19, at nag-shutdown naman ang ABS-CBN noong May 5, hindi dahil sa virus, kundi dahil sa congressmen.

Continue reading below ↓

Pero nagkaroon agad ito ng kapalit, ang sariling network na nakapangalan sa kanya, ang Vice Ganda Network, na magpapatuloy sa paghatid ng aliw sa mga tagahanga niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napatunayan ni Vice Ganda na may katotohanan ang kasabihang “When God closes a door, He opens a window,” dahil sa mga bagong oportunidad na dumarating sa kanya.
PHOTO/S: Screen grab from Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results