Abugado ni Catriona Gray naglabas na ng babala

by Jojo Gabinete
Jul 19, 2020
Gumawa na ng hakbang ang management ni Catriona Gray sa pamamagitan ng pag-issue ng statement tungkol sa kumakalat na fake topless photo ng former Miss Universe.
PHOTO/S: March Henrich Go

Nagsimulang kumalat sa social media kahapon, July 18, ang alleged nude photos ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Naglabas na rin ng official statement ang kanyang legal counsel na si Attorney Joji Alonso, na kilala rin sa entertainment industry bilang movie producer.

Ipinaalaala ni Atty. Alonso na may posibilidad na sampahan nila ng kaso ang mga nagkakalat ng fake topless photo na nakasisira sa reputasyon ni Gray.

Pahayag ni Atty. Alonso: “It has come to our attention that an alleged topless photo of Miss Universe 2018 Catriona Gray has been spreading online and a certain tabloid will be releasing it.

“We want to inform the public that this photo is fake and digitally altered.

“We are actively coordinating with authorities to hold accountable whoever is behind this scheme and face penal sanctions accordingly. We will likewise take legal action against those involved in the manufacture and publication of said photo.

Continue reading below ↓

“We strongly denounce this vicious attempt to tarnish the good name of Ms.Gray.

“At a time when fake news is prevalent, we firmly urge the public to be discerning and critical of what they see and share on social media.”

Atty. Joji Alonso letter re Catriona Gray fake photos

Ayon pa kay Atty. Alonso, “There is already so much wickedness happening these days. Maligning an innocent soul is tantamount to injustice. Or just purely evil.”

Continue reading below ↓

Ilang araw nang biktima si Gray ng mga malisyosong balita.

Nagsimula ito mula nang maglabas ng cryptic posts ang kanyang ex-boyfriend na si Clint Bondad.

Obserbasyon ng marami, tila hindi matanggap ng Filipino-German showbiz newcomer ang pakikipagrelasyon ng former Miss Universe sa Kapamilya hunk na si Sam Milby.

Ang fake topless photo ang latest na pag-atake sa katauhan ni Catriona. Hindi pa matukoy kung sino ang mga nasa likod nito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gumawa na ng hakbang ang management ni Catriona Gray sa pamamagitan ng pag-issue ng statement tungkol sa kumakalat na fake topless photo ng former Miss Universe.
PHOTO/S: March Henrich Go
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results