Christine Bersola-Babao tinawag na "Mga Demonyo" ang mga kongresistang nasa isang Zoom video

by Jojo Gabinete
Jul 19, 2020
Hindi napigilan ni Christine "Tin-Tin" Bersola-Babao ang magpahayag ng nararamdaman nang mapanood ang clip ng Zoom video conference ng mga kongresistang pinagpaplanuhan na ang takeover ng ipinasarang giant broadcasting network na ABS-CBN.
PHOTO/S: Instagram/@christinebbabao | Twitter/@ChristineBBabao

“Mga Demonyo”—Ito ang maiksi pero malakas ang impact at walang paliguy-ligoy na reaksyon ni Christine “TinTin” Bersola-Babao.

At ang pinagbubuntunan niya ng galit ay ang 1-minute-28-second clip mula sa Zoom video conference nina House Representatives Mike Defensor, Jesus Remulla, at Deputy Speaker Rodante Marcoleta.

Ang buong video conference ay lagpas isang oras. Ang maiksing clip ay naunang i-share sa Twitter ng creative director at Yellow Rose Films executive producer na si Miguel Sevilla.

Si Christine ang asawa ng Bandila news anchor na si Julius Babao.

Isa si Julius sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng programa at trabaho dahil sa malawakang lay-off ng Kapamilya network.

Hindi na kasi binigyan ng prangkisa ng Committee on Legislative Franchises ng Kamara ang television network.

Dating empleyado si Christine ng ABS-CBN.

Saksi ang istasyon sa pagsisimula ng pagmamahalan nila ni Julius, na humantong sa kasalan, kaya may soft spot ito sa puso niya.

Bukod sa pagtawag ng demonyo sa mga kongresista, nag-tweet din si Christine ng “NAKAKASUKA KAYO" sa video ng mga kongresista.

Malinaw na disgustado siya sa mga pinag-uusapan nina Defensor, Remulla, at Marcoleta.

Ito'y ang pinaplano nilang takeover sa ABS-CBN na pag-aari na umano ng pamahalaan.

“Ako kasi Cong. Dan... sorry, ha, kaya ko inuuna itong sa workers' takeover, kasi kung magkakaisa yung mga manggagawa, ang unyon, ang supervisors, ipetisyon nila ang presidente, ang NTC, at payagan sila—bukas gawin na nila yung kanilang pagpapatakbo ng ABS-CBN.

Ngayon, ang problema, yung mismong equipment kasi hindi kanila yung equipment, sa korporasyon pa ng ABS-CBN. E di lease to own,” ang sabi ni Defensor sa mapapanood na kumakalat na video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumagot naman si Marcoleta ng, “Para makukuha natin agad iyon, kasi kung buo yung principal, yung lupa, wala silang mabubuhat do’n.

“Lahat ng chattels do'n, improvements, e pag-aari na ng gobyerno iyon, sapagkat ang lupa ay sa gobyerno.

"Ang lupa, lahat do’n, accessories. So kapag tinake-over iyon, madali silang makakapag-programa do’n.”

Kasama rin sa Zoom video conference, bagamat nawala sa harap ng kamera, ang aktor at Laguna 1st District House Representative na si Dan Fernandez.

Ang makikita sa video, na may running time na isang minuto at dalawampung-walong segundo, ay si Remulla na nagsasalita.

"I think we have to meet next week, yung grupo natin, 'tsaka yung mga chairman ng committee para lahat ng follow-through action natin, magawa natin.

"Kasi marami pa tayong nakabitin na dapat gawin para we can do justice to our jobs," ang pahayag ni Remulla sa viral video na kinokondena ni Christine.

Narito ang kabuuan ng lagpas-isang oras na Zoom conference ng mga kongresista mula sa AnaKalusugan Party List Congressman Mike Defensor Facebook page.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi napigilan ni Christine "Tin-Tin" Bersola-Babao ang magpahayag ng nararamdaman nang mapanood ang clip ng Zoom video conference ng mga kongresistang pinagpaplanuhan na ang takeover ng ipinasarang giant broadcasting network na ABS-CBN.
PHOTO/S: Instagram/@christinebbabao | Twitter/@ChristineBBabao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results