Gene Padilla, Long Mejia, Dagul—persona non grata sa Ilocos Sur?

by Jojo Gabinete
Jul 19, 2020
Ano kaya ang sadya nina (mula kaliwa) Gene Padilla, Long Mejia, at Dagul sa Sto. Domingo, Ilocos Sur? Bakit kaya sila inirerekomenda para maging persona non grata sa nasabing probinsiya?
PHOTO/S: Instagram/@genepadillaaaa, @mejia_long | (Dagul) Jerry Olea

Mahigpit ang rekomendasyon ni Ilocos Sur Governor Ryan Singson na ideklarang persona non grata sa Ilocos Sur sina Long Mejia, Dagul, at Gene Padilla.

Mga kilalang komedyante sina Long, Dagul, at Gene.

Lumabas sa Kapamilya shows sina Long at Dagul, katulad ng Home Sweetie Home para kay Long at Goin' Bulilit para kay Dagul.

Habang si Gene ay mas nakilala sa Kapuso shows na katulad ng One of the Baes at Majika.

Dahil daw ito sa paglabag diumano ng tatlong komedyante sa quarantine protocols at pag-iwas sa mga checkpoint ng probinsiya.

Heto ang official statement ni Gov. Singson sa Agbiag Ti Ilocos Sur Facebook page:

“We, Ilocanos are by nature hospitable. We value each and every individual who visits our Heritage Province. However, we do not tolerate arrogance and willful disregard on lawful orders of duty constituted authorities of the Province.

The unsanctioned visit and social activities in Sto. Domingo, Ilocos Sur of showbiz personalities Roberto Mejia a.k.a Long Mejia, Romy Pastrana a.k.a Dagul, Gene Baldivia a.k.a Gene Padilla along with their companions, without proper coordination with the LGU nor the PGIS COVID Action Center of Ilocos Sur, and with no legitimate purpose is an example of awful disregard of the existing quarantine rules of the Provincial Government. I STRONGLY CONDEMN THESE ACTUATIONS.

Continue reading below ↓

“Their refusal to undergo quarantine checkpoint protocols, evading checkpoint personnels is another manifestation of violation of our laws, an exhibition of arrogance and impoliteness that should not be tolerated.

“I therefore call upon the Sangguniang Panlalawigan to urgently pass a Resolution declaring Long Mejia, Dagul Pastrana and Gene Padilla persona non grata in Ilocos Sur. Their gesture is truly a disappointment undermining the police power of the LGU in the implementation of quarantine protocols during the time of pandemic.

“These people are personalities of the show business with broad patronage, which should all the more be reason that they take it upon themselves to comply to existing rules in a place they visit.

“May this incident be a reminder that preventing local transmission of COVID-19 entails the cooperation of every sector of the society. It is not solely the responsibility of the National and Local Governments but also the people, both residents and non-residents. The little inconveniences that result from following strict rules and guidelines is a small sacrifice that we have to bear if we want to succeed in this fight against COVID-19.”

Continue reading below ↓

Maliban sa paglabag sa quarantine protocols, walang ibang detalyeng ibinigay si Gov. Singson.

Nakipag-ugnayan naman ang Cabinet Files ngayong gabi, 8:25 pm, sa Police Department ng Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Ang Police Chief Master Sergeant na si Benito Ponce ang nagpaunlak na makipag-usap sa amin.

Sinabi ni Sgt. Ponce na nangyari kagabi, July 18, ang insidente pero ayon sa kanya, hindi malinaw ang pakay ng pagpunta nina Gene, Long, at Dagul sa kanilang bayan.

Continue reading below ↓

July 18 po nangyari ang insidente, at bale dito sa report, nangyari ito ng 9:15 nang gabi.

Nang tanungin namin kung ano ang dahilan ng pagbisita nina Gene, Long, at Dagul sa Sto. Domingo, Ilocos Sur, sagot ng police sergeant, “Yan po ang hindi namin alam, sir."

Hiningi na ng Cabinet Files ang panig ni Gene tungkol sa official statement ni Gov. Singson pero hindi pa siya nagpapadala ng sagot tungkol sa kontrobersyang kinasasangkutan nila nina Long at Dagul.

Agad naman naming ilalabas ang magiging pahayag nilang tatlo tungkol sa isyung ito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ano kaya ang sadya nina (mula kaliwa) Gene Padilla, Long Mejia, at Dagul sa Sto. Domingo, Ilocos Sur? Bakit kaya sila inirerekomenda para maging persona non grata sa nasabing probinsiya?
PHOTO/S: Instagram/@genepadillaaaa, @mejia_long | (Dagul) Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results