Ryan Cayabyab, nag-compose ng kanta para sa frontline staff ng Filipino supermarket chain sa Amerika

by Jojo Gabinete
Jul 22, 2020
Nag-collaborate ang National Artist For Music na si Ryan Cayabyab at ang singer na si Annie Nepomuceno para sa isang kanta na nagbibigay-pugay sa frontline staff ng isang Filipino supermarket chain sa Amerika.
PHOTO/S: Facebook

Ang former actress na si G Tongi-Walters ang marketing consultant ng Island Pacific, ang Filipino supermarket chain sa Amerika na pag-aari ng Fil-Am businessman na si Niño Lim.

Si Niño ang asawa ng dating aktres na si Krista Ranillo.

Project ni G na bigyan ng tribute ang frontline staff ng Island Pacific sa pamamagitan ng isang awit na composition ng Philippine National Artist for Music na si Ryan Cayabyab.

Ang Filipina singer na si Annie Nepomuceno ang nagsulat ng lyrics at umawit ng tribute song na may pamagat na "Busog Ang Puso Ko."

Ang awitin ay nilikha ni Ryan para sa masisipag at tapat sa tungkuling frontline staff ng Island Pacific, na ipinagpatuloy ang paglilingkod sa kanilang mga kostumer sa kabila ng matinding banta ng COVID-19 pandemic sa Amerika.

Nakilala ni Ryan si Annie noong 17 years old pa lamang ang huli at estudyante sa UP College of Music.

Nagtrabaho si Annie bilang teacher sa music school ni Ryan, back-up singer, at vocalist sa mga concert ng kanyang mentor.

Continue reading below ↓

Sa tagal ng kanilang pagiging pagkakaibigan, ngayon lamang nasubukan ni Annie na magsulat ng lyrics para sa musika ng mentor niya.

Isang feel-good song na nagbibigay ng pag-asa sa panahon ng pandemya ang "Busog Ang Puso Ko."

Sumasalamin din ito sa likas na katangian ng mga Pilipino na makakita ng kabutihan at kaligayahan sa gitna ng mga kahirapan na hatid ng mga pagsubok tulad ng COVID-19 pandemic.

Continue reading below ↓

Noong April 2020, naging featured story ng ABC7 Morning Show ang "Stay Home, Stay Safe campaign ng Island Pacific."

Ito ang kauna-unahang supermarket sa California na naglunsad ng online grocery shopping para hindi na kailangang umalis ng bahay ng mamimili at mapangalagaan ang mga sarili laban sa COVID-19.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-collaborate ang National Artist For Music na si Ryan Cayabyab at ang singer na si Annie Nepomuceno para sa isang kanta na nagbibigay-pugay sa frontline staff ng isang Filipino supermarket chain sa Amerika.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results