Pagsasara ng Shangri-La Finest Chinese Cuisine, ikinalungkot ng showbiz reporters at mga artista

by Jojo Gabinete
Jul 23, 2020
Simula August 1 ay magsasara ang Shangri-La Finest Chinese Cuisine, ang sikat na restaurant sa Quezon City.
PHOTO/S: Shangri-La Finest Chinese Cuisine

Ikinalungkot ng entertainment press at showbiz personalities ang nalalapit na pagsasara ng Shangri-La Finest Chinese Cuisine.

Ang 37-year-old restaurant sa West Avenue, Quezon City, ay naging venue ng mga showbiz event at press conference.

Kabilang ang Shangri-La sa mga business establishments na naapektuhan ng coronavirus pandemic kaya nagdesisyon ang management na itigil ang operasyon ng restaurant simula sa August 1, 2020.

Bahagi ng pahayag ng management tungkol sa nalalapit na pamamaalam ng kanilang restaurant:

"It is with great sadness that we are announcing that effective August 1, 2020, Shangri-La Finest Chinese Cuisine will cease its operations, due for the most part to the challenges brought about by the on-going pandemic which has plagued not only our country, but the entire world as well. Our day for Dine-In and Take-Out services will be on July 31, 2020."

Ang press conference ng Dragon Lady ng GMA-7 ang isa sa mga showbiz gathering na naganap sa The Shangri-La Finest Chinese Cuisine, noong February 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Dragon Lady ang afternoon drama series ng GMA-7 na napanood mula March 4, 2019 hanggang July 20, 2019.

Memorable sa isang female star ang The Shangri-La Finest Chinese Cuisine dahil dito siya dinala ng popular news personality sa unang date nila.

Memorable dahil ang buong akala ng female star, dadalhin siya ng news personality para sa kanilang date sa five-star hotel na kapangalan ng Chinese restaurant.

Para naman sa mga devout Catholic, mami-miss nila sa pagsasara ng The Shangri-La Finest Chinese Cuisine ang display ng mga pinggan, wine glasses, at utensils na ginamit ni Pope John Paul II nang bumisita ito sa Pilipinas noong January 1995 para sa World Youth Day.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Idineklarang ganap na santo ng Simbahang Katoliko si Pope John Paul II noong April 27, 2014, kaya malaking karangalan para sa may-ari at mga empleyado ng The Shangri-La na napagsilbihan nila at natikman ni Saint John Paul II ang kanilang mga pagkain.

MORE CABINET FILES STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Simula August 1 ay magsasara ang Shangri-La Finest Chinese Cuisine, ang sikat na restaurant sa Quezon City.
PHOTO/S: Shangri-La Finest Chinese Cuisine
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results