Watch Now

Pokwang, Ria Atayde, at Pauleen Luna bibida sa bagong TV5 show

by Jojo Gabinete
Jul 23, 2020
Sinasabing sa August 17 magsisimulang umere sa TV5 ang bagong morning show tampok sina (L-R) Ria Atayde, Pauleen Luna, at Pokwang.
PHOTO/S: @mjmarfori Twitter

Kung hindi magkakaroon ng pagbabago, sa August 17 na ang airing sa TV5 ng pilot episode ng morning talk show na Rise and Shine.

Hosts ng bagong programa sina Pauleen Luna, Ria Atayde, at Pokwang.

Si Pauleen ay mas konektado sa GMA-7 dahil lumalabas ito rati sa Eat Bulaga, kunsaan top host ang mister niyang si Vic Sotto. Sina Ria at Pokwang ay mas ABS-CBN dahil doon lahat ang mga shows nila.

Ang Archangel Productions ang producer ng Rise and Shine, at ang direktor ay si Mike Tuviera.

Nitong Huwebes, July 23, naganap ang pictorial nina Pauleen, Ria, at Pokwang sa TV5 studio para sa kanilang bagong TV show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

POKWANG AND RIA'S LAST APPEARANCES ON ABS-CBN

Ang Rise and Shine ang unang show ni Pokwang sa labas ng ABS-CBN.

Ang huli niyang proyekto sa ABS-CBN ay Make It With You, ang ABS-CBN primetime series na pinagbidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Nasa ere pa ang Make It With You bago ipinatupad ang enhanced community quarantine sa Luzon noong March 15.

Pero noong June 5, inanunsiyo ng ABS-CBN na kanselado na ang serye dahil sa wala itong sapat na materyal para magpatuloy sa ere.

Nitong mga nakaraang linggo, usap-usapan kung sinu-sinong mga artista mula sa ABS-CBN ang posibleng mapanood sa ibang TV network.

Noong June 20, unang napanood si Pokwang bilang celebrity guest sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga, ang blocktimer noontime show sa GMA-7.

Lumalabas na freelance star si Pokwang kaya maaari siyang mapanood sa ibang TV network.

Si Ria naman ay huling napanood sa ABS-CBN weekly fantasy series na Parasite Island, na umere mula September hanggang December 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ABS-CBN STARS TO GUEST ON NEW TV5 SHOW

Welcome mag-guest sa Rise and Shine ang mga contract stars ng ABS-CBN na nawalan ng pagkakakitaan matapos pagkaitan ng Kongreso ng prangkisa ang broadcast giant.

Ayon sa isang insider, mga artista ng ABS-CBN ang nakalinya bilang mga guests sa Rise and Shine.

Nag-post na sa Instagram Stories sina Pokwang at Pauleen ng litrato nila nina Ria nang magkita-kita sila sa pictorial kanina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sobrang excited ni Pauleen dahil first time niyang pumasok sa trabaho matapos ang ilang buwang napirmi siya sa bahay dahil sa pandemya.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinasabing sa August 17 magsisimulang umere sa TV5 ang bagong morning show tampok sina (L-R) Ria Atayde, Pauleen Luna, at Pokwang.
PHOTO/S: @mjmarfori Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results