Aljur Abrenica on ABS-CBN shutdown: "It’s beyond me... their fight is their fight."

by Jojo Gabinete
Jul 24, 2020
Aljur Abrenica: "Para malaman niyo ang side ko, pro-franchise ako, pero it’s beyond me. May mas malalim pa kesa sa ipaglalaban ko sa franchise."
PHOTO/S: Instagram

Sinagot ni Aljur Abrenica ang obserbasyon ng ibang mga tao na hindi raw siya masyadong vocal sa pagsasalita tungkol sa pagsasara ng ABS-CBN.

Hindi raw siya katulad ng kanyang nakababatang kapatid na si Vin Abrenica na hayagan ang pagsuporta sa kanilang home network.

Hindi ipinagkaloob ng Committee on Legislative Franchises ang hinihiling na franchise renewal ng ABS-CBN, dahilan upang magsara ang maraming kumpanya ng network at magbawas ng libu-libo nitong empleyado.

Paliwanag ni Aljur, "Well, we have our own fight.

"Hindi naman sa hindi ako vocal... actually, pro-franchise po ako.

"Siyempre, that’s my mother network now. Marami rin silang naitulong sa akin.

"Pero it’s beyond me. Ibig kong sabihin, their fight is their fight.

"Matagal na yung nangyayari. I don’t know the details...

"Ako, bilang isang artista, hindi ko alam. Ang alam ko lang, yung behind camera.

"So I’m really looking forward, how I see this scenario is the opportunity talaga to cleanse, and the opportunity to get better as a network..."

Patuloy niya, "Every case naman na ganito, may opportunity to make everything better. Yun na lang ang tinitingnan ko.

"Para malaman niyo ang side ko, pro-franchise ako.

"Pero it’s beyond me. May mas malalim pa kesa sa ipaglalaban ko sa franchise."

Sinabi ni Aljur ang posisyon niya sa isyu ng ABS-CBN sa Zoom conference ng pagbibidahan nilang pelikula ni JC de Vera, ang Escape From Mamasapano, ngayong Biyernes ng hapon, July 24.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BALIK-KAPUSO?

Nag-umpisa ang acting career ni Aljur nang sumali siya sa Season 4 ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA-7, noong 2006.

Siya ang pinalad na manalo bilang Ultimate Hunk.

Noong July 2014, nag-file si Aljur ng petisyon sa Quezon City Hall of Justice para sa rescission ng kanyang exclusive contract sa GMA Network Inc.

Pero tinapos pa rin niya ito bago siya lumipat sa ABS-CBN.

Dahil sa pagsasara ng ABS-CBN, tinanong siya kung posible bang bumalik at kumatok siya sa pintuan ng Kapuso network na nagpasikat sa kanya.

“Ako, open naman ako,” sagot ni Aljur.

"If doon ako pupunta sa path na ‘yon, but right now kasi, ang focus ko talaga is family, security nila, and whatever means that I can do, like, supporting my wife, studying other businesses…

"So, right now, kaya tinanggap ko yung project na 'to is because passion ko talaga is acting.

"May goal talaga ako when it comes to the industry, pero kung kakailanganin niya yung network at nag-a-agree yung network, same sila, pati yung audience are asking na, why not?

"Pero for now, ang masasabi ko, wala pa ako doon. Wala pa ako doon para kumatok pa sa network."

Huling napanood si Aljur sa Kapamilya teleserye na Sandugo, na umere mula September 2019 hanggang March 2020.

ESCAPE FROM MAMASAPANO.

Sa opisina ng Borracho Films sa Pasig City naganap ang contract signing nina Aljur at JC para sa Escape From Mamasapano.

Ang Borracho Films ang film outfit na itinatag ni Atty. Ferdinand Topacio.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang drama-action movie na ito ay planong isali ni Atty. Topacio sa 46th Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa December 25, 2020.

Kung hindi naman aabot sa deadline ng 46th MMFF ang pelikula, balak ni Atty. Topacio na ilahok ang Escape From Mamasapano sa Metro Manila Summer Film Festival sa susunod na taon.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aljur Abrenica: "Para malaman niyo ang side ko, pro-franchise ako, pero it’s beyond me. May mas malalim pa kesa sa ipaglalaban ko sa franchise."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results