Kapatid na babae ni Allan K, pumanaw sa araw ng pagbabalik ng komedyante sa Eat Bulaga

by Jojo Gabinete
Jul 24, 2020
Habang nagti-tape para sa episode ng Eat Bulaga! noong July 21, walang kaalam-alam si Allan K na pumanaw na ang kapatid niyang si Melba Quilantang sa Bacolod.
PHOTO/S: Instagram / Screen grab from YouTube

Ipinagluluksa pa ni Allan K. ang pagpanaw noong May 14 ng kanyang bunsong kapatid na si Junjun Quilantang.

Pero panibagong dagok na naman ang dumating sa buhay ng komedyante.

Nagpaalam noong Martes, July 21, ang isa pa niyang kapatid, si Melba Quilantang.

Matagal hindi napanood si Allan sa Eat Bulaga! dahil sa COVID-19 pandemic, pero noong Martes, lumabas siya sa live broadcast ng noontime show ng TAPE Inc. at ng GMA-7.

Pagkatapos ng live telecast noong July 21, nag-taping si Allan para sa "Bawal Judgmental" episode, na napanood nitong Biyernes ng tanghali, July 24.

Tungkol sa mga taong namatayan ng karelasyon ang topic sa "Bawal Judgmental," at pinahulaan sa celebrity player na si Geoff Eigenmann.

Muling nanakit ng damdamin ang Eat Bulaga!, na pinaiyak ang televiewers dahil sa malulungkot na mga kuwento ng "Bawal Judgmental" Choices.

Hindi lamang si Paolo Ballesteros ang iyak nang iyak dahil umagos din ang luha ni Allan.

Continue reading below ↓

Tumangging magsalita si Allan nang sabihin ni Jose Manalo na baka may gusto siyang itanong para kay Tony, isang Bawal Judgmental choice na namatayan ng girlfriend.

"Bakit ako? Ayoko, makikinig na lang ako. Ayoko magtanong," emosyunal na sabi ni Allan habang pinupunasan ang masaganang luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata.


Habang umiiyak si Allan dahil sa kuwento ni Tony, wala siyang kamalay-malay na namayapa na rin si Melba.

Binawian ng buhay si Melba sa kanilang bayan sa Bacolod.

Isa sa mga kasamahan ni Allan sa Eat Bulaga! ang nagkuwento sa Cabinet Files na pumanaw ang kapatid ng komedyante habang nagaganap ang live show ng kanilang programa noong Miyerkules.

"Noong nag-tape kami para sa Friday episode, hindi pa niya alam na namatay ang kanyang kapatid.

"Live show pa lang, nawala na yung sister niya, pero hindi muna sinabi kay Allan.

"After ng work, saka sinabi sa kanya ng PA niya ang nangyari.”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Habang nagti-tape para sa episode ng Eat Bulaga! noong July 21, walang kaalam-alam si Allan K na pumanaw na ang kapatid niyang si Melba Quilantang sa Bacolod.
PHOTO/S: Instagram / Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results