Love The Way U Lie at A Hard Day, mapapanood pa rin kahit naudlot ang Summer MMFF

by Jojo Gabinete
Jul 26, 2020
(Left) Xian Lim, Alex Gonzaga, and Kylie Verzosa in Love The Way U Lie; (right) Dingdong Dantes in A Hard Day.

Pinag-aaralan pa ng movie producers na may mga pelikulang kasali sa hindi natuloy na 1st Metro Manila Summer Film Festival (April 11 to April 21, 2020) ang kanilang mga susunod na hakbang.

Wala pang kasiguraduhan kung kailan magbubukas ang mga sinehan, isa sa mga industriyang lubhang naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Sa walong opisyal na kalahok sa 1st Metro Manila Summer Film Festival, ang Love The Way U Lie at A Hard Day ang dalawa sa mga pelikulang may concrete plans na ang mga producer.

Magsisimula sa August 19 ang streaming sa Netflix ng Love The Way U Lie, ang romantic-comedy movie na pinagbibidahan nina Xian Lim at Alex Gonzaga.

Si RC delos Reyes ang direktor ng Love The Way U Lie, na tungkol sa isang clairvoyant (Alex) na naging tulay para magkaroon ng komunikasyon ang isang lalaki (Xian) sa namatay nitong fiancée (Kylie Verzosa).

Dahil wala nang theatrical release ang Love The Way U Lie, ilalagay ito sa kategorya ng Netflix Original Movies.

Continue reading below ↓

Isang Cabinet Files informant ang nagsabing, tulad ng Through Night and Day, Vodka, Beers, and Regrets, Untrue, at ibang Tagalog movies, inaasahang magti-trending din sa NetFlix Philippines ang Love The Way U Lie.

Highly-entertaining daw kasi ang pelikula nina Xian at Alex.

"Kung nagustuhan ng Netflix viewers ang Through Night and Day, tiyak na magugustuhan din nila ang Love The Way U Lie," pahayag ng taong nakausap ng Cabinet Files na napanood na ang kabuuan ng pelikula nina Xian at Alex.

A HARD DAY

Ang Viva Films ang producer ng A Hard Day, ang Filipino adaptation ng 2014 blockbuster South Korean action thriller film. Si Dingdong Dantes ang lead actor dito.

Dahil hindi nga natuloy ang summer film festival, balak ng Viva Films na isali ang A Hard Day sa 46th Metro Manila Film Festival sa December 2020.

Samantala, hindi pa makapagdesisyon ang ibang movie producers sa gagawin nila sa kanilang mga pelikula na official entry sa aborted summer film festival.

Continue reading below ↓

Hangga’t walang vaccine para sa COVID-19, hindi pa rin sigurado ang pagbubukas ng mga sinehan sa December kaya walang katiyakan kung magaganap pa ang annual film festival.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Xian Lim, Alex Gonzaga, and Kylie Verzosa in Love The Way U Lie; (right) Dingdong Dantes in A Hard Day.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results