Ogie Alcasid, latest death-hoax victim; Ogie at Regine, kaagad nag-react sa fake news

by Jojo Gabinete
Jul 26, 2020
Regine Velasquez on death hoax about husband Ogie Alcasid: "May pamilya po kaming maaaring mag-alala kung ito ay mabasa nila. Kaya pakiusap po ‘wag naman." Ogie is seen here alive and well on the balcony of his home.
PHOTO/S: Instagram

Hindi lamang matinding bashing ang nararanasan ng mga artista sa panahon ng pamamayagpag ng social media.

Sa ayaw nila't gusto, may mga taong walang konsensiyang "papatayin" sila nang walang kalaban-laban. Mga taong hindi natatakot sa mabilis na pagbuwelta ng bad karma.

Matapos patayin sa social media sina Ai-Ai delas Alas at Michael V., ang singer-comedian na si Ogie Alcasid naman ang bagong death-hoax victim.

Ayon sa walang katotohanang balita, natagpuan siyang walang buhay sa loob ng kanyang sasakyan na nakaparada sa harap ng kanilang tahanan.

Mabilis ang pagtutuwid ni Ogie sa fake news na kumalat nitong Linggo ng hapon, July 26.

"Guys this is fake news. Did not show the name of the person who posted. Ipagdasal na lang natin. Magmahalan pa tayo," malumanay na paglilinaw ni Ogie.

Continue reading below ↓

Puwedeng-puwedeng hindi patulan ni Ogie ang paninira sa kanya, pero may mga taong mabilis maniwala sa fake news, kaya tingin ng iba ay tama ang maagap niyang denial.

May pakiusap din si Regine Velasquez, asawa ni Ogie, para sa taong nagkalat ng fake news.

Normal na mag-alala si Regine dahil bukod sa hindi totoo ang balita, may mga kamag-anak silang puwedeng maapektuhan ng negatibong balita tungkol sa mister.

Mensahe ng Asia's Songbird: "Bakit naman kailangan gumawa ng ganitong balita. Alam namin at tanggap na namin na parti na ng aming buhay ang pag-usapan kami mahirap pero kasama talaga ito sa trabaho namin.

"May pamilya po kaming maaaring mag-alala kung ito ay mabasa nila. Kaya pakiusap po ‘wag naman.

"To our families and friends this is a fake news Ogie is home safe and healthy. God bless po."

Continue reading below ↓

Nananatili namang matatag si Regine sa kabila ng maraming beses na naging biktima rin siya ng mga panghuhusga, at hindi tinatantanan ng detractors niya mula nang umalis siya sa GMA-7 at lumipat sa ABS-CBN hanggang sa pagdepensa niya sa Kapamilya station.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Regine Velasquez on death hoax about husband Ogie Alcasid: "May pamilya po kaming maaaring mag-alala kung ito ay mabasa nila. Kaya pakiusap po ‘wag naman." Ogie is seen here alive and well on the balcony of his home.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results