Paggunita sa alaala ni Jovito Salonga at ang paborito niyang hot-spring resort sa Laguna

by Jojo Gabinete
Jul 27, 2020
Noong June 22, 2020 ang 100th birthday ng yumaong Senate President Jovito Salonga.
PHOTO/S: https://www.officialgazette.gov.ph/

Ang outstanding statesman at former Senate President na si Jovito "Jovy" Salonga (June 22, 1920- March 10, 2016) ang isa sa mga ipinagmamalaking anak ng Pasig City.

Kaya noong June 22, 2020, ang centennial birth anniversary niya, nagbigay-pugay sa kanya si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Ayon kay Sotto, si Salonga ang isa sa mga greatest statesmen na nagmula sa Pasig City.

At para naman sa constituents niya, si Vico Sotto raw ang Salonga ng bagong henerasyon dahil sa kanyang maayos na pamamalakad sa kanilang lungsod.

Hindi lamang si Sotto ang nagbigay-pugay sa ika-100 taon ng kapanganakan ni Salonga dahil binigyang-parangal din ito ng business writer at Kamuning Bakeshop owner na si Wilson Lee Flores.

wilson flores

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Marami ang hindi nakakaalam na si Flores ang nakabili ng historical hot-spring resort sa Pansol, Calamba, Laguna na dating pag-aari ni Salonga.

Sina House Representative Loren Legarda at former Supreme Court Justice Arturo Panganiban ang ilan sa mga nagkaroon ng interes bilhin ang resort ni Salonga, pero ipinagkatiwala ito kay Wilson ng mga anak ng yumaong senador, pitong taon na ang nakalilipas.

HOT STORIES

Ang alagaan ang resort at panatilihing buhay ang alaala ng kanilang ama ang isa sa mga kundisyon na hiningi kay Wilson ng mga anak ni Salonga, kaya hanggang ngayon, makikita sa paboritong weekend getaway resort ng senador ang kanyang mga memorabilia at mga orihinal na kasangkapan.

Binili ni Salonga ang hot-spring resort sa Calamba matapos masabugan siya ng bomba sa makasaysayang campaign rally ng Liberal Party sa Plaza Miranda noong August 21, 1971.

Ayon ito sa U.S.-based daughter ni Salonga na si Victoria Regina Salonga-Mitchell, na kamakailan ay nakausap ni Flores.

Continue reading below ↓

“Naiwan sa katawan ng aking ama ang libu-libo at maliliit na piraso ng shrapnel kaya ang paglangoy sa mainit na tubig ang rekomendasyon sa kanya ng mga doktor para maging komportable ang pakiramdam niya.

“My father enjoyed not only quiet times there when he could get away from the city, and all his activities to read and reflect, but he also enjoyed entertaining there.

"Among those who came were Presidents [Cory] Aquino, [Fidel] Ramos, and [Joseph] Estrada.

"When he was Senate President in the 1980s and early 1990s, he held what came to be known as the ‘Pansol Reflection Sessions.’

“More than music, Dad’s great, defining, and enduring passion was religion and its application to politics.

I believe that what led him to pursue public office was his urge to pursue the common good on a nationwide scale, create fair social structures for the disadvantaged, and bring about a more principled and less corrupt type of politics.

Continue reading below ↓

"His faith is also what compelled him to pursue a legal career and to serve justice,” ang pagbabalik-alaala ng anak ni Senator Salonga.

Si Celeste Legaspi, ang soprano na si Andion Fernandez, at ang tenor na si Nolyn Cabahug ang ilan sa mga singers na naimbitahang magtanghal sa resort ni Salonga noong nabubuhay pa ito.

Ang "Mutya ng Pasig" ang madalas na inaawit ng mga bisita ni Salonga sa mga pagtitipon sa resort dahil paborito niya ito bilang isinilang at lumaki siya sa Pasig.

Dahil sa mga kuwento tungkol sa pagmamahal ni Salonga sa musika at kultura, nangako si Wilson na pagkatapos ng coronavirus pandemic, ang resort ng dating senador na binigyan niya ng bagong pangalan na W Resort, ang kanyang gagawing venue para sa mga music and literary events at tertulia-inspired Pandesal Forum sessions ng Kamuning Bakery.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noong June 22, 2020 ang 100th birthday ng yumaong Senate President Jovito Salonga.
PHOTO/S: https://www.officialgazette.gov.ph/
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results